Pinay OFW, napayakap sa tuwa sa kanyang amo matapos siyang bigyan ng P30,000

Hindi makapaniwala ang isang pinay overseas Filipino worker nang abutan siya biglanng pera ng kanyang amo. Sa sobrang tuwa niya ay napayakap na lamang siya sa kanyang amo sa Kuwait.

Sa viral video na ibinahagi ng Pilipino sa Kuwait page, makikitang tinawag ang katulong na pinay ng kanyang amo. Lumapit agad siya at akala niya ay may sasabihin lang ito. Ngunit nagulat na lamang siya ng biglang dumuk0t ito sa kanyang bulsa, maglabas ng pera at iniabot sa kanya.

Ang perang natanggap umano ng pinay ay nasa $600 o katumbas sa halagang P30,000.

Credit: Pilipino Sa Kuwait / Facebook

May sinabi ang babaeng amo sa pinay ngunit hindi ito malinaw sa video. Marahil natutuwa sila sa pinay at nais nilang suklian ang pagsisilbi nito sa kanilang pamilya.

Nagyakapan ang dalawa at labis na nagpasalamat ang pinay dahil hindi niya expected na makakatanggap ng maagang pamasko mula sa kanyang amo.

Maligaya naman ang mga netizen sa napanood na video dahil maswerte ang pinay at nakatagpo siya ng mabait na amo.

Credit: Pilipino Sa Kuwait / Facebook

Samantala, basahin ang ilang komento ng mga netizen:

“Kapag maayos ang trabaho mo, tiyak na masusuklian din yun ng kabutihan.”

“Sana lahat ng amo ganito. At sa mga kabayan naman natin abroad, sipagan pa natin para makita ng amo natin ang ating effort”

Credit: Pilipino Sa Kuwait / Facebook

“Mukhang mabait at masayahin din kasi yung Pinay kaya naman natuwa sa kanya yung amo niya. Sana ganito nalang lahat ang nararanasan ng mga kapwa natin Pinoy abroad.”

“Nakailang yakap si ate sa tuwa sa kanyang boss. So happy po for you ate”

Loading...