Pinay ofw, humingi ng tulong na makauwi ng Pinas matapos matupok ang bahay at mamatay ang anak sa sunog

Viral online ang isang pinay OFW na humihingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo gamit ang social media, na makauwi na ng Pilinas sa kadahilanang nasawi ang kanyang anak ng dahil sa sunog.

Subalit ayon sa nagbahagi ng kwento na si Princess Andreah-Nicole, hindi umano makauwi ng bansa si Aida Bulaso sa kadahilanang hinihingian siya ng kanyang amo ng P50,000 para sa kanyang plane ticket.

Photo courtesy: Princess Andreah-Nicole/ Facebook
Photo courtesy: Princess Andreah-Nicole/ Facebook

Si Aida Bulaso ay isang domestic helper sa Al Gaseem Buraydah sa Saudi Arabia.

Nais ni Bulaso na makauwi na ng Pilipinas matapos napasama sa nasusunog na bahay ang kanyang anak na babae.

Photo courtesy: Princess Andreah-Nicole/ Facebook
Photo courtesy: Princess Andreah-Nicole/ Facebook

Ayon sa kwento, wala naisalbang gamit ang kanyang pamilya mula sa sunog at ang nakakalungkot pa nito ay nasunog rin ang kanyang anak.

Naroon rin ang larawan ng iba pa niyang mga anak. Sa murang edad nila ay nawalan na sila ng bunsong kapatid.

Photo courtesy: Princess Andreah-Nicole/ Facebook

Makikita rin sa larawan na tupok na tupok ang bahay nila Aida. Kasama rin nasunog ang isang motorsiklo na nasa loob ng bahay.

Photo courtesy: Princess Andreah-Nicole/ Facebook

Makikita rin natin sa larawan ang bahay nila nasusunog na halatang walang naisalbang gamit at may motorsiklo pa sa loob ng kanilang pamamahay

Basahin ang buong post:

“Ako poh c aida bulaso 0fw dto sa al gaseem buraydah saudi arabia paki share po para umabot kay sir raffy Sir raffy😭😭😭😭tulongan mo ako maka uwi…namatayan ako ng anak kasama siya sa sunog😭😭😭😭nasunog yung bahay namin walang naisalba…kailangan ko makauwi para sa burol ng anak ko😭😭😭pls raffy tulongan mo ako ang amo ko pauwiin nila ako pero hinihingian ako ng 50k para sa ticket at wala akong pera na ganun halaga😭😭😭sir raffy sana mapansin mo ito ikaw lang maka tulong sa akin…”

Samantala, marami namang netizen ang nakiramay sa pagkawala ng anak ng pinay.

Umani na rin ng 6,600 shares ang naturang post upang makaabot kay idol Raffy o sa anumang ahensya ng gobyerno na maaaring makatulong sa pinay OFW.

Loading...