Phivolcs, naglabas ng listahan ng mga Barangay na posibleng magkaroon ng volcanic tsunami

Mula nagbuga ng abo ang bulkan Taal nitong January 12, Linggo ay nakataas na ito sa pnakamataas na level, ang alert level 4.

Magpahanggang ngayon Lunes ay nakataas pa rin ito sa alert level 4 kung kaya Hindi inaalis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang posibilidad na magkaroon ng volcanic tsunamis batay sa ipinapakitang aktibidad ng bulkang Taal.

Mahigpit pa rin ang pagbabantay ng Phivolcs ang volcanic activity na posibleng humantong sa pagsabog nito nang lubusan.

Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, ang volcanic tsunami ay nangyayari dahil sa mga nahuhulog na debris o mga tipak ng bato pagkatapos ng pagputok ng isang bulkan.

Ang mga debris na ito ay pwedeng magtulak sa katubigan at magbunga ng alon patungo sa shoreline o dalampasigan.

“Since Taal Volcano Island is surrounded by Taal Lake, a body of water, its explosive or violent eruption would generate a volcanic tsunami that would affect nearby shores.”

“Similar volcanoes surrounded by water would have the same hazard when they erupt,” paliwanag ni PHILVOCS senior science research specialist Isabel Abigania.

Kaya naman pinalilikas na ang mga residenteng malapit sa bulkan.

Ayon rin sa Phivolcs nitong hapon ng anuary 13, may malakas na pagbuhos ng ashfall sa may southwest ng bulkan, na tinatawag ding volcanic island. Ito ay ang mga bayan ng Taal, Cuenca, at Lemery sa probinsya ng Batangas.

Patuloy rin na nakakaranas ng lindol ang malalapit na lugar sa bulkan Taal. 

Aniya, ang vocanic tsunami ay di naman ganoon kataas ang alon kumpara sa karagatan pero magdadala pa rin ito ng damage at posibleng makaka-apekto sa tao lalo na sa mga malapit sa dagat.

Samantala, narito naman ang listahan ng mga barangay kung saan maaaring maapektuhan ng volcano tsunami, base surge at ballistic projectile o mga bato na iniluluwa ng bulkan sa kapaligiran nito.

Photo courtesy: PHILVOCS
Photo courtesy: PHILVOCS
Photo courtesy: PHILVOCS
Photo courtesy: PHILVOCS
Loading...