Pet owner, nagulat ng mag-uwi ng P1k ang alagang pusa

Gulat na gulat ang isang pet owner ng makita niyang may dala-dala ng isang libong piso ang alagang pusa.

Ibinahagi sa social media ni April Jean ang nakakagulat niyang kwento patungkol sa kanyang pusa. Sa Facebook group na “Cats and Kittens Philippines” ay naging trending ang post ni April.

Aniya, hindi umano siya makapaniwala dahil ng makita ang alagang pusa ay may dala na itong P1,000.

Ang mga pusa ay mahilig gumala at kung saan-saan pa nga nakakarating. Ngunit kakaiba ang pusa ni April dahil mula sa paggala ay may bitbit pa itong pasalubong na isang libo.

Photo courtesy: April Jean/Facebook

Kaya naman natatawa nalang ang si April at pabirong tinanong ang pusa kung saan niya ninakaw ang pera.

Photo courtesy: April Jean/Facebook

Sa kanyang post, saad niya, “This morning I was so surprised when I saw my cat carrying something in his mouth and he gave me this. Nasabi ko agad, Hoyyy Kenzi saan mo ninakaw to?”

Maraming netizen ang naaliw sa ibinahagi ng dalaga. Mga mga katanungan at opinyon ang mga netizen.

Nakomento naman si April sa mga ilang opinyon. Aniya, sinubukan na rin umano niyang magtanong sa kanyang kapitbahay o kaya’y kasama sa bahay kung kanila ba ang pera ngunit tumanggi ang mga ito.

Kahit umano sarili niyang wallet ay tiningnan rin niya baka sakaling doon galing ang pera. Ngunit wala umanong nabawas roon.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kay April kung saan nakuha ng alagang pusa ang pera dahil wal rin umanong naghahanap nito.

Loading...