Pedicab driver na PWD at may canƈer, nagtatrabaho pa rin para may pampagamot at mairaos ang pamilya

Bumilib ang isang pasahero ng malaman niya ang kwento ng isang pedicab driver na kanyang sinakyandahil bukod sa naghahanapbuhay ito para aa pamilya at may pinagdadaanan pala itong matinding karamd4man.

Nalaman ni netizen Gina Alinsubao na ang driver ng kanyang sinasakyang pedicab driver sa Caloocan City ay may sakit na levk3mia stage 1.

Hindi umano alam ni Gina na may s4kit ang driver na si Mang Roderick Mugas. Ngunit nang masulyapan niya ang ID nito na nakasabit sa harapan ng pedicab ay dito niya nalaman na isang PWD pala ito.

Kwento niya sa kanyang post, nilapitan siya ni Mang Roderick habang naghihintay ng masasakyan sa Sangandaan Market. Nang bumabyahe na umano sila ay napansin niya na mahina lamang ito sa pagpadyak. Inisip niya na baka mabigat lang ang kanyang mga dala o siya.

Credit: Roderick Mugas/ Facebook

“Agad na tumulong sa akin at binuhat ang ilan sa aking dala-dala. Tinanong niya ako, ‘Saan po tayo, Ma’am?’ Sabi ko, ‘Sa 10th Avenue, Kuya.’”

“Naisip ko, siguro dahil sa bigat ng aking dala.”

“Nang makita ko ang kanyang PWD I.D. na nakasabit sa harap ng sidecar katabi ang rosaryo, napansin niyang nakatingin ako rito.”

Nakipagkwentuhan sa kanya si Mang Roderick at dito ay nalaman niya ang pinagdadaanan nito. Humingi muna ito ng pasensya sa kanya dahil sa kanyang mabagal na magpapadyak kasi hinihingal umano siya.

Credit: Roderick Mugas/ Facebook

Paliwanag pa nito ay may s4kit ito sa dug0 at kasalukuyan na siyang nagpapagam0t sa PGH.

“Sagot ko sa kanya, ‘Ay, sorry, Kuya… Mabigat yata itong dala ko, pati ako.’ Ayos lang po. May leuk3mia po kasi ako pero stage 1 lang po.”

“Nagpapagam0t po ako sa PGH. Huwag po kayong mag-alala, hindi po ito nakakah4wa. Sa totoo po, ako pa po yung mas madaling mah4wa ng s4kit.”

Humanga si Gina sa kasipagan at katatagan ni Mang Roderick kaya naman ibinahagi niya ang kwento nito online para matulungan ito. Bilib siya dahil kahit may iniind4 itong s4kit ay patuloy pa rin itong nagsisikap at matatag sa buhay.

Si Mang Roderick ay 44 anyos na at nakatira sa 514 Bisig ng Kabataan, Sangandaan, Caloocan City. May tatlo na itong anak, Grade 8 ang panganay at kinder naman ang bunso.

Dati umano siyang nagtatrabaho sa isang clothing line at tumagal siya doon ng sampung taon bilang isang quality controller. Ngunit noong tagilid na ang kompanya ay nakatanggap siya ng separation pay dahil magsasara na ito.

Aniya, simula noon ay nagpedicab driver na siya. Taong 2019 ay na diagn0se umano siya na may sakit sa dvgo. Nangamba unano siya para sa kanyang pamilya na maiiwan.

Credit: Roderick Mugas/ Facebook

Para makapagpatuloy sa pagpapag0t si Mang Roderick ay nagpapadyak pa rin siya upang mairaos nila ang gastusin kada araw. Para rin ito sa kanyang pagpapagam0t dahil malaki umano ang kailangan nila sa kanyang laborat0ry na umaabot ng P16,000.

“Sa pang-lab0ratory po ako nahihirapan. Umaabot po sa PHP16,000 ang kailangan ko lagi basta magpapa-lab0ratory.”

“Wala rin pong trabaho ang misis ko. Siya po ang nag-aasikaso sa akin lalo na pag pupunta sa 0spital, at sa mga bata.”

Nakakakuha rin umano sila ng tulong mula sa DSWD at PCSO, ngunit hindi ito sapat para sa iba pa niyang pangangailangan. Kada taon ay nabibigyan siya ng tanggapan ni Caloocan City 1st District Rep. Along Malapitan ng PHP10,000. Kaya naman P6,000 na lamang ang kailangan niyang buuin para sa kanyang lab0ratory.

Sa abot ng kanyang makakaya ay nagtatrabaho pa rin siya. Napahanga rin ang mga netizen sa pagiging positib0 ni Mang Roderick. Bumuhos naman ang tumulong sa kanya.

Saad naman ni Gina, “Alam kong nahihirapan siya sa hanapbuhay ngayon. Pero nagpapatuloy pa rin, humahanga ako sa mga gaya niya. Hindi laging kailangang mamalimos o manghingi ng pera para kaawaan, kundi dapat ay magsikap sa kahit anong mabuting paraan.”

Loading...