Pastor Quiboloy kay Vice Ganda: ‘Karma is real. I hope that you learned your lesson’

Isang malaking kontrobersiya ang naging pagpapasara ng ABS-CBN sa bansa nitong Mayo.

Matapos ng ilang linggong sarado ng nasabing network ay naungkat ulit ang isyu sa pagitan ni Pastor Apollo Quiboloy at Vice Ganda, ito ay ng binanggit ito ni Quiboloy.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay hinahon ni Vice Ganda si Quiboloy na ipatigil ang traffic sa EDSA at ang programang Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Pinagtawanan pa ni Vice si Quiboloy habang sinabi niya na mayabang ang pastor.

Ayon sa ulat ng PEP ph, nagpahayag ng saloobin si Pastor Quiboloy kay Vice Ganda sa kanyang programang Powerline sa Sonshine Media International Network a

Panimula niya kay Vice, “Nalulungkot ka, Vice, nalulungkot ka sapagkat hindi mo mapigilang umiyak dahil wala na yung mga programa niyo? Alalahanin mo, naghamon ka, hinamon mo ako noon. Ang saya-saya niyo noon. Naghahalakhakan kayo.”

“Meron pang isang kasamahan mo na lalaki, pati ngala-ngala niya, nakita ko sa katatawa, e. Halos mabali ang leeg niya,” saad pa niya.

Aniya, ang nangyari umano sa network nito ay hustisya na ng Diyos.

“Iyan ang sinabi ko sa inyo, ang kayabangan, nakikita ng Diyos ‘yan. Kapag binigyan kayo ng pabor sa buhay, huwag kayong ganoon.”

“O ngayon, nakita mo na, may Diyos sa langit, tapos nakita mo na Siya ang tumitimbang sa lahat ng mga tao dito sa lupa kung ano ang ginagawa nila. Hustisya ang Diyos, Vice Ganda, hustisya.”

“Siguro sa iba, naloloko mo, niloloko mo, pinagtatawanan mo, e, wala naman kinalaman sa Diyos sila. Nakakaligtas ka doon, pero binibilang din ng Diyos ‘yon. Pang-aapi ‘yon. Pagkatapos isinama mo pa ako. Ngayon, napatunayan mo na meron akong Diyos na nagpadala sa akin.”

Sinabi rin ni Quiboloy na lahat ng hamon sa kanya ni Vice ay nagkatotoo na ngayon. Hindi lang ang traffic ang napahinto maging ang kanyang network rin kaya dapat daw na maging masaya na ang aktor.

“Nag-prophesize ka, Vice. O ngayon, wala na yung programa mo, wala na yung network mo. Malinis na ang EDSA.”

Dapat masaya ka sapagkat natupad ang lahat ng hamon na ginawa mo.”

Inungkat rin ni Quiboloy ang biro ni Vice patungkol kay broadcaster Jessica Soho na ipa-gang rape joke umano ang host.

Aniya, hindi magandang biro ang ginawa ni Vice lalo pa at iginagalang sa kabilang istasyon si Soho.

Saad rin niya na na-karma na ang kanilang network ngayon dahil sa kanilang nagawa.

“Ngayon, naniniwala ka na, karma is real. O, bumalik sa ‘yo, di ba, at ngayon, umiiyak ka.O, bakit hindi kayo humahalakhak? Nasaan na yung pati ngala-ngala niya, nakita kong humahalakhak, kasama din nung mataba din na babae na parang maskara ang mukha dahil sa make-up?”

Tingin umano ng network na sila na ang pinakamataas at kinatatakutan ng lahat dahil sa kanilang kapangyarihan.

“Akala mo, makapangyarihan na kayo noon. Ang ABS-CBN kasi, kapag narinig, para bang Diyos, ‘Kailangan lahat tumabi kayo lahat kasi nandito na kami.”

Ang tanging kinatatakutan lang daw ni Quiboloy ay ang Diyos. Kaya naman ang kanyang pahayag ngayon ay isang pangaral kay Vice.

Aniya, dapat kapag binigyan sila ng pabor ay huwag nilang kukutyain ang sinuman.

“Ang kinatatakutan ko dito, Vice, isa lang—ang Diyos lang. Tuturuan kita, ganoon ang gawin mo.”

“Kapag binigyan kayo ng pabor ng Diyos, pabor na maging tanyag, pabor na maging mayaman, huwag kayong mangutya ng kapwa niyo tao.”

“Ginawa rin ng Diyos ‘yan sa kanyang mukha. Gamitin niyo sa kabutihan. Ngayon, umiiyak ka, e, noon humahalakhak ka… E, ngayon, ang Diyos ang nagtatawa sa ‘yo.”

“Bakit ka umiiyak ngayon at nalulungkot? Tanungin mo ang sarili mo.”

Saad niya sana natutunan umano ni Vice ang kanyang leksyon.

“Yun ang dahilan, Vice, yun ang dahilan para patotohanan lang ng Diyos sa ‘yo, si Pastor Apollo Quiboloy ay hindi pumunta rito sa kanyang sarili lang.

“Lesson ‘yan. I hope that you learned your lesson,” dagdag pa niya.


Loading...