Paslit, nasawi matapos maputol ang swab stick sa loob ng ilong at bumara sa respiratory tract

Sasailalim sana sa COVID-19 testing ang isang taong gulang na bata upang malaman kung positibo ito sa virus, ngunit ito pa ang naging sanhi ng kaniyang kamat4y4n.

Ayon sa ulat ng RMN, nam4t4y ang bata matapos maputol ang swab stick na ginamit. Dinala umano ang bata sa Shaqra General Hospital sa SAudi Arabia dahil mataas ang lagnat nito.

Kaya naman isinailalim ito sa COVID-19 testing upang masuri kung positibo sa virus.

Ngunit isang mapait na trahedya ang nangyari sa bata. Dahil naging mitya pa ito ng kaniyang buhay matapos bumara sa kaniyang respiratory tract ang naputol na swab stick.

Ayon pa sa ulat ay isinailalim ang bata sa general anesthesia upang makuha ang bumarang stick sa lalamunan nito.

Nasawi umano ang paslit makalipas ang 24 oras.

Loading...