Pari kinumpronta ng Doktor na mister matapos makiapid umano sa misis nito; video, nag-viral

Binatikos ngayon online ang isang pari sa Pampanga matapos kumalat sa social media ang video kung saan kinumpronta ito ng isang lalaki.

Sa video makikita ang isang lalaki na galit na galit habang kinakausap ang Katolikong pari na umano’y kalaguyo ng kanyang asawa.

Ang lalaking nasa video ay isang doktor umano sa Pampanga at ang pari naman ay naka-assign sa lungsod ng San Fernando.

Ang limang minutong video ay napuno ng tensyon.

Kakasimula palang ng video ay inihagis na ng mister ang dalang maleta at bag sa pari at sinabing iiwan na nito ang kanyang misis sa pari.

Naroon din ang misis nakaupo malapit sa pari at parehong walang kibo.

Ang kumuha ng video ay anak ng mag-asawa na galit na galit rin sa pari dahil sa pagsira ng kanilang pamilya.

Hinampas naman ng mister ang portrait ng kanilang pamilya at sumisigaw na sa sobrang galit.

Humingi naman ng paumanhin ang pari ngunit mas lalong nagalit ang lalaki.

Dismayado ang mister at anak nito dahil malapit ito sa kanilang pamilya ngunit ito pa ang dahilan ng pagkawasak ng kanilang pamilya.

Narito ang video:

Loading...