Pangulong Duterte, pinirmahan na ang libreng technical-vocational education

7258

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang libreng technical-vocational education (tech-voc) upang matugunan ang mismatch sa trabaho at kawalan ng trabaho sa bansa.

Pinirmahan ni Duterte ang Republic Act 11230 o ang Tulong-Trabaho Act noong Pebrero 22, 2019.

Ang panukalang batas ay nagbibigay ng mga kwalipikadong tatanggap ng libreng access sa pag-aaral ng tech-voc habang nilalayon ng gobyerno na matugunan ang mismatch na kasanayan sa trabaho.

Ang mga qualified recipients ng access sa technical-vocational education at training sa ilalim ng mga programs na kikilalanin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang Tulong-Trabaho Fund ay magiging available sa kahit na kaninong unemployed person na may edad na 15 taon at hindi nagtatrabaho.

Hindi rin dapat sumasailalim sa anumang pagsasanay o employed workers na nagnanais na i-develop at palawigin ang kasalukuyang skills at trainings.

Ang pondo ay ibibigay sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), na dating pinamumunuan ni Senador Joel Villanueva, ang may-akda ng panukala.

Ayon sa ulat, hindi umano sakop ng batas ang mga manggagawa sa mga kumpanya na kasalukuyang sinanay ng kanilang pinagtatrabahoan.

Ang batas rin ay naglalayon na ang Philippine Labor Force Competencies Competitiveness Program ay palakasin at patatagin ang kuwalipikasyon ng mga manggagawang Pilipino.

Nakasaad rin sa batas na, ang mga industry organizations na kinikilala ng TESDA na naghahanap ng pondo para sa kanilang training programs ay dapat na magsumite ng listahan ng kanilang mga trainees na humiling ng tulong mula sa Tulong-Trabaho Fund sa TESDA regional directors, na siya namang maga- assess ng mga aplikante at magsumite ng listahan ng mga kuwalipikadong recipients sa TESDA Director General para aprubahan.

Bukod pa rito, titiyakin naman ng recipient industry boards na ang 80 porsiyento ng nga benepisaryo ay makakapasa sa Philippine Technical-Vocational Education and Training Competency Assessment and Certification System.

“Failure to meet the passing rate shall subject the school or training center to performance review and audit by the TESDA Board,” ayon sa batas. 

Source: GMA

Facebook Comments