Pangulong Duterte, pinirmahan ang batas na Nat’l Vision Screening Program para sa mga Kindergarten pupils

99

Isang ganap na batas na ang National Vision Screening Program (NVSP) matapos itong pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Biyernes.

Ang batas ay para sa maagang check-up upang malaman kung may problema ba sa mata ang isang bata.

Ang Republic Act 11358 o National Vision Screening Program (NVSP) ay nasa pangunguna ng ahensyang Department of Education (DepEd).

Magiging katuwang naman ng Department of Education ang Department of Health (DOH) at ang Philippine Eye Research Institute (PERI) na siyang magsasawa ng pag-aaral sa visual impairment sa mga bata at mapopondohan mula sa bubuuing vision screening continuing research fund.

Magkakaroon ng trained teachers at health personnel upang makatulong sa pagtukoy ng mga batang may problema sa mata at ma-refer agadito sa eye center.

Bukod pa rito, inatasanrin ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bumuo ng isang package para sa konsultasyon at pagpapagaling ng sakit sa mata ng mga bata.

Bubuo rin ng database sa resulta ng mga test at magde-develop ng system para sa referral at corrective measures para sa kindergarten pupils na posibleng may eye ailment.

Magtatayo rin ng Vision Screening Continuing Research Fund (VSCF)  na popondohan mula sa mga donasyon ng DepEd at DOH.

Facebook Comments