Pangilinan sa #OustKiko: I am ready to give up the post anytime if asked by the Senate leadership, not because of paid online trolls

Matapos mag-trending sa Twitter ang #OustKiko ay nagbigay naman ng pahayag rito si Senator Francis Pangilinan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, papayag naman siyang magbitiw sa pwesto kung ito ang pasya ng liderato ng Senado, ngunit hindi dahil sa hiling ng mga bayarang trolls.

“I am ready to give up the post anytime if asked by the Senate leadership but certainly not because of the ‘clamor’ of paid online trolls,” saad ni Pangilinan.

“Besides, the argument that the problem of COVID will be solved by Charter Change is quite frankly out of this world,” dagdag pa niya.

Umugong ang balita ng manawagan ng tulong sa social media si Frankie Pangilinan dahil may majority na grupo ang nais paalisin si Kiko sa Senate Committee on Constitutional Amendments.

Ayon naman sa ilang senador, wala naman silang naririnig na ganoong balita o chismis.

Loading...