Pananakit ng isang dalaga sa kapwa babae dahil lang sa lalaki, nag-viral online

2534

Usap-usapan sa social media ngayon ang pananakit ng isang babae sa isa pang babae matapos umano akitin nito ang kanyang nobyo.

Nakuhanan ng aktwal video kung saan kitang-kita ang pagsapak ng babaeng nakapula sa kausap na dalaga.

Maririnig naman na humihingi ng tawad ang dalaga sa mga akusasyon sa kanya ng babae.

Napaiyak na lamang ang dalaga habang ang isa naman ay nanggagalaiti pa rin sa galit.

Dalawang beses nakatikim ng sapak ang dalaga mula sa babae. Hindi naman napigilan ng lalaki ang babae at patuloy lang sa pananakit.

Batay sa video, ang insidente ay nangyari sa isang pampublikong CR.

Umani ng samu’t saring reaksyon ang naturang video. Karamihan sa mga netizen ay hindi nagustuhan ang ginawang pananakit ng babae.

Panoorin ang buong video:

Facebook Comments