Pagdating sa pag-ibig, height doesn’t matter! Ito ang pinatunayan nina Dallaine at Poypoy

Hindi inakala ni Dallaine na makakahanap pa siya ng pag-ibig sa kabila ng kanyang kondisyon.

Si Dallaine ay may kondisyon na dwarfism ngunit nahanap niya ang pag-ibig na hinahangad niya mula kay Poypoy.

Sa kwentong ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho), pinatunayan nilang dalawa na wagas ang kanilang pagmamahalan sa mata ng mga taong mapanghusga.

Si Dallaine ay 3 feet at 2 inches lang ang taas, 31 anyos. Samantala, si Poypoy ay mas bata pa sa kanya, kilalang tambay at lasengero sa kanilang lugar.

Kung kaya mas lalong sinubok ang kanilang pagmamahalan lalo na sa mga magulang ni Dallaine. Maraming humusga na hindi tunay ang pagmamahal ni Poypoy kay Dallaine dahil may kaya ito sa buhay at maaaring pera lang ang hangad niya sa dalaga.

Sapagkat sadyang totoo talaga ang pag-ibig ni Poypoy, kaya kinalaunan hindi na rin tumutol ang mga magulang ni Dallaine nang sagutin nito ang binata.

Ngunit sinubok ang kanilang relasyon dahil hindi pa rin nawala pamangkutya at mapanghusgang mga mata. Maraming pumipigil at nagsasabi sa kanila na hindi talaga sila bagay sa isa’t-isa.

Sa kabila ng lahat, kinaya nila ang lahat at ikinasal silang dalawa nitong Marso lang.

Sa ngayon, limang buwang buntis na si Dallaine at nagsisikap naman si Poypoy para sa panganganak ni Dallaine.

Ang pagmamahalan nina Dallaine at Poypoy ay patunay na sa larangan ng pag-ibig, lahat ay pantay-pantay at lahat ay may karapatang lumigaya.

Loading...