Pacquiao, binigyan ng $100 ang isang pulubi sa Amerika

Isang video ni Senator Manny Pacquiao ang kumakalat ngayon online. Ito ay matapos siyang mamigay ng $100 sa isang homeless sa Amerika.

Ang video ay ibinahagi ng “Team Pacquiao”. Nasa gitna ng kalsada ang isang pulubi na may hawak na card board at nanglilimos.

Sakto naman na nakahinti ang sasakyang minamaneho ni Pacquiao kaya tinawag niya ang Amerikanong lalaki.

Abot langit naman ang ngiti ng lalaki ng makatanggap ng tulong mula sa People’s champ. Inabutan niya ng $100 o P5,000 ang lalaki.

Credits: Team Pacquiao / Youtube

Nakilala naman niya agad si Pacquaio at todo pasalamat siya sa perang ibinigay nito.

Sinabi ng lalaki na si Pacquiao daw talaga ang tunay na nanalo sa laban nila ni Floyd Mayweather, Jr. “On the streets, everybody says, ‘you fuc ked up Floyd Mayweather’,” saad ng lalaki.

Credits: Team Pacquiao / Youtube

Nagpasalamat naman si Pacman sa papuri ng amerikano at natawa siya komento ng lalaki.

Maikli lamang ang kanilang naging usapan. Umalis rin agad ang lalaki bago pa mag Go signal.

Credits: Team Pacquiao / Youtube

Bilang paghahanda sa nalalapit niyang laban kontra kay Errol Spence Jr. sa Agosto kaya nasa Amerika na ngayon si Pacquiao.

Loading...