OFW na kakauwi lang ng Pinas, pinagtabuyan ng kanyang misis dahil may ibang lalaki na pala

Isang mapait at nakakalungkot na pangyayari ang sinapit ng isang pinoy OFW na kakauwi lamang sa ngunit iniwanan na ng kanyang asawa.

Viral online ang kwento ng isang ofw kung saan iniwan ng kanyang misis dahil sa may kalaguyo na ito.

Ayon sa post ng netizen, nang makita niya si tatay ay nagkaroon siya ng curiosity kaya nilapitan ito ay kinausap. Napag-alaman niya na na-stranded ito sa Maynila dahil sa lockdown.

Kakauwi lang umano nito mula abroad at ang kanyang pamilya ay nasa Cebu. Ngunit makalipas ang ilang mga araw ay pinapupunta siya ng kanyang asawa sa Bulacan.

Nagpumilit ang kanyang misis na umalis siya dahil may sakit umano ang kanyang kamag-anak.

Kaya naman lumuwas papuntang Bulacan si Tatay Rosmar. Habang nanatili siya sa kanyang kamag-anak ay bigla nalang umano siuang nakatanggap ng mensahe mula s aknyang misis.

Sinabi nito na huwag ng umuwi sa kanila dahil may ibang lalaki na ito. Labis na nasaktan si tatay sa ginawa ng kanyang misis.

Wala siyang magawa dahil hindi rin naman siya makauwi pabalik sa Cebu dahil naabutan siya ng lockdown.

Nang malaman ito ng mga netizen ay nagpuyos sila sa galit sa asawa ni tatay Rosmar.

Ayon pa sa isang netizen na basta wala na umanong pakinabang para sa kanila ay bigla nalang itong iiwanan.

Maraming nagpaabot naman ng tilong kay tatay. Naantig sila sa kwento ni tatay na iniwan na ng kanyang pamilya.

Loading...