Nurse na ‘frontline sa COVID-19’, kinakailangan pang maglakad ng isang Oras para makauwi

Matapos idineklara ang lockdown sa Lungsod ng Quezon maraming mga ordinaryong manggagawa ang naapektuhan.

Dahil COVID-19, hindi lang kalusugan ang naapektuhan pati narin ang araw-araw na hanapbuhay at transportasyon ng mga kababayan natin.

Isa sa apektado ng lockdown ay si Nurse Trishka Mariano na isang “frontline sa COVID-19” sa isang Hospital sa Quezon.

Ayon sa Facebook post ng Manila Bulletin, kailangan pa ni Nurse Trishka na maglakad ng isang oras para lang makauwi sa kanilang bahay dahil sa pagsuspende ng lahat ng pangpublikong sasakyan.

Saad ni Trishka na hindi naman sila kontra sa lockdown ngunit hiling niya lang ay mabigyan pansin din silang mga medical workers dahil kailangan rin nilang umuwi at magpahinga sa kani-kanilang tahanan.

Nagpahayag rin siya ng pagkadismaya dahil wala silang pagpipilian kundi maglakad hanggang sa may sakayan ng jeep at may mga kasamahan pa umano silang hindina makapasok pa sa trabaho dahil walang masakyan.

Higit na kinakailangan talaga ang mga medical professionals ngayon. Nais lang ni Trishka na bigyan din silang importansiya at bigyan ng libreng sakay pauwi.

A staff nurse who is working on the frontline of COVID-19 at a hospital in Quezon City had to walk for an hour to get home because of the total suspension of mass transportation.

Trishka Mariano told Manila Bulletin that, “halos pilay na po ang medical staff.”

“Hindi naman kami against sa quarantine pero ang gusto lang namin ay tamang transportasyon para sa aming Healthcare workers,” she added.

Photo Courtesy: Trishka Mariano

Samantala, may panawagan rin siya sa publiko na kung maaari ay makipag-cooperate ang mga tao dahil para rin naman ito sa kanilang kapakanan.

Aniya, manatili muna sila sa kanilang mga bahay. Masweswerte pa nga raw ang iba dahil makakapagpahinga sila, hindi gaya nila na may tungkuling dapat gampanan.

Basahin ang kanyang buong post:

Feeling ko hndi ako matatahimik pag hindi ako nagpost kung paano kami naapektuhan ng lockdown at no mass transportation. From night shift duty kami at dahil lockdown, we have no choice kundi maglakad mula sa workplace hanggang kung saan man may jeep, nakarating na kami ng Cubao pero wala talaga kami nasakyan. Yung dalawa kong kasama ay night shift duty pa mamaya. Sobrang nakakalungkot at nakakainis na galing ka na ngang trabaho, problema mo pa paano uuwi. Sana man lang bago niyo ipatupad yang lockdown naisip niyo naman kaming nagtatrabaho sa ospital. Nag provide manlang sana ng public transport para sa mga exempted sa lockdown at quarantine. May mga kasamahan kami na hindi nakapasok kasi wala masakyan. Ang unfair lang tlaga sa pakiramdam na kami na nga nakikicooperate pero kami pa hindi binibigyan ng importansya manlang.
At sa mga nakita kong pakalat kalat sa labas na wala naman ginagawa, nakaupo lang sa tabi..Pag sinabing sa loob lang ng bahay..manatili lang sa loob!!! Mga motorista na pampahaba at pampatagal sa checkpoint na hndi naman tlaga kelangan lumabas ng bahay. Buti nga kayo pinapa stay lang sa bahay ang hirap pa sumunod, eh kami nga gusto rin sa bahay at mag netflix o kdrama pero hndi magawa kasi may tungkulin na dapat gawin. Sana naman magkaroon ng pagbabago.

Loading...