New dorm na itinayo ng DPWH para sa Quezon health workers, handa ng matirhan

Natapos na din sa wakas ang temporary dorm na titirhan ng mga medical health workers sa Quezon City kung saan hindi na sila kailangang umuwi sa malalayong lugar.

Itinayo ng Department of Public Works and Highways ang dormitoryo para sa mga medical personnel ng Lung Center of the Philippines na nasa hospital compound ng Quezon City.

Photo courtesy: Gadget Addict/Facebook
Photo courtesy: Gadget Addict/Facebook

Para sa mga Lung Center doctors, nurses at iba pang medical staff ay hindi na kailangan pa nilang bumyahe papauwi lalo pa at pagod sila sa panggamot sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Ang bawat dormitorya ay makakapag-accomodate ng 32 personnels. Bawat cluster ng dorm ay mayroong 16 airconditioned rooms at mayroon ring double-decker na kama para sa dalawang tao. Bawat kwarto ay mayroon ring toilet at bath with heater.

Photo courtesy: Gadget Addict/Facebook
Photo courtesy: Gadget Addict/Facebook

Maaari ring gamiting isolation room ang dorm kung sakaling mayroong staff na under monitoring o kaya’y nagpapagaling na medical staff.

Mayroon ring living room, complete with TV and sofa, common dining, labahan at kusina na mayroon ng appliances.

Photo courtesy: Gadget Addict/Facebook
Photo courtesy: Gadget Addict/Facebook
Photo courtesy: Gadget Addict/Facebook

Ayon kay Sec. Mark Villar, ang gobyerno ay tumutulong upang maibsan ang pang-araw-araw na pinagdadaanan ng mga medical workers sa pamamagitan ng pagbibigay ng dalawang unit ng ‘We Heal As One Offsite Dormitory for Medical Personnel’.

Loading...