‘Grabe naman hindi na naawa’ Netizens, nagalit matapos kumpiskahin ang tinda ng batang naglalako ng bananaque, lumpia

Kanya-kanyang labas ng sama ng loob ang mga netizens sa mga pulisng Taguig matapos nilang kumpiskahin ang paninda ng bata.

Naglalako ng bananaque at lumpia ang batang lalaki sa Bonifacio Global City sa Taguig ng mahuli ng mga pulis.

Hinaing ng mga netizens na sana pinalagpas na lang umano ang bata dahil nakakaawa ito.

Dagdag pa nila, walang problema na ipagbawal ang paglalako doon pero sana hindi na lang daw kinuha ang mga paninda.

Saad naman ng concerned netzen na nagbahagi ng mga larawan na si John Carlo Olesco, naghahanap buhay lang umano ang bata sana hindi na nila kinuha ang paninda.

Image may contain: 1 person, standing, child and outdoor

Dagdag pa niya, nakiusap na siya ngunit hindi rin pinakinggan ang kanyang hiling.

“Yung batang nag hahanap buhay para sa kanila kinuhaan niyo ng paninda nag lalako lang naman ng bananaque at lumpia. nakiusap ako kung pwede ibalik ayaw niyo, kawawa naman yung bata, alam kung trabaho lang pero sana pinag bigyan niyo sana tskk.”

Image may contain: 1 person, tree and outdoor

Image may contain: one or more people and outdoor
Image may contain: one or more people and outdoor

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizen, basahin:

Saad ni Rwen Cruz, “Kawawa nmn ung bata pati ung magulang nung bata for sure galit na galit na saknya un kasi wala syang nabenta”

Ayon naman kay カリンガサン レイ , “Grabeng mga kups talaga. Nakakabwisit yung mga ganyan! Wala man lang konsiderasyon. “

Jessa Olesco, “gusto lang maklibre ng merienda yan kakapal ng mukha di na naawa.”

Saad rin ni Raymund Freeman, “Dapat habang bata pa sumunod sya sa batas kung bawal, pero d ako agree na kunin kung anong meron sa bata, wala rin tong mga to eh.”

Loading...