Netizens, na-inspire sa isang Lola na nagbabasa ng bibliya sa labas ng kanyang bahay

Pumukaw sa atensyon ng mga netizen ang larawan ng isang lolang nagbabasa ng bibliya sa labas ng kanyang bahay.

Sa kabila kasi ng katandaan ni lola ay nagagawa pa rin niyang magbasa ng bibliya.

Naantig dito ang puso ng mga netizen dahil sa simpleng larawan ay nagbigay rin ito ng mabigat na kahulugan.

Maraming nakapagmuni-muni na sa kabila ng edad at katayuan ni lola ay may panahon pa rin siyang maglaan ng oras para magbasa ng bibliya.

Photo courtesy: Facebook

Aminin man natin o hindi, karamihan sa mga Pinoy ay nakakalimot ng magbasa ng bibliya.

Marami tayong oras sa iba’t ibang bagay, madalas kulang pa nga dahil nakatuon lang lagi oras natin sa trabaho o kaya’y sa gala.

Ang larawan ni lola habang nagbabasa ng bibliya ay naging eye opener sa ilang mga netizen dahil naging paalala ito sa kanila na huwag makakalimot sa Panginoon.

Photo courtesy: Facebook

Lahat tayo ay may mga pagsubok na pinagdadaanan kaya katulad ni Lola ay maging malapit rin tayo sana tayo sa Panginoon.

Bumuhos ang dalangin at papuri kay lola dahil malinaw pa rin ang kanyang mata at patuloy ang kanyang pananampalataya sa Diyos.

Nakatira lamang si lola sa isang maliit na kubo kung saan walang kuryente.

Samantala, ang larawan ay ibinahagi ng Issues International page kung saan umani ng 10,000 shares at 5,500 reaksyon mula sa mga netizen.

Basahin ang ilang komento ng mga netizen:

Aïlëëń Š Cähùgöm, “Kapos mn sa makamundong bagay pero sa langit magiging masagana ang kanyang buhay.?”

Minda Cauilan Boncodin, “God bless po nanay ..more new years to come po sa inyo ..saludo po ako sa inyo nanay at nakakabsa p kyo ng bible maayus p po anf paningin nyo at yan ay pagpapala ng panginoon sa inyo …”

Tess Tolentino, “God is good all the time Kung titingnan natin mahirap ang kalagayan pero mas mayaman Yan sa atin sa paglilinkod sa Dios.”

Tnod Bother Em, “Ung iba nga..puro daing sa buhay sasabihin ang hirap ng buhay.. Haha…Kaya pasalamat nlng kau kung anung meron kau..tgnan mo si lola…lahat dinadaan mga suliranin kay GOD.”

Julia Salvio, “Hindi naging hadlang k nanay ang mawalan ng kuryente upang d magbasa ng salita ng Diyos para sa araw araw na pamumuhay.saludo ako sayo nanay Amen.”

Loading...