Netizen, naantig sa larawan ng pagod na Seaman dahil sa pagtatrabaho

Isang seaman ang viral online matapos makuhanan ito ng litrato na nakatulog na sa pagod sa may sahig.

Naantig ang mga netizen sa larawan dahil nakita nila ang hirap at pagod bilang isang pinoy ofw.

Maraming pinoy ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa para may pantustos sa pamilya dahil na rin sa laki ng sweldo doon.

Kahit malayo sa pamilya ay marami pa ring nahihihkayat mangibang bansa upang guminhawa ang buhay ng kanilang pamilya sa Pilipinas.

Gaya na lamang ng pagiging seaman, malaki ang sweldo kapag nasa barko. Nasa laot palagi at nakikipagsabayan rin sa malalaking alon.

Marahil kayod-kalabaw ang seaman na nag-viral kaya naman nakatulog na ito sa sobrang pagod.

Humanga ang mga netizen dahil nagsisikap ito para sariling pamilya kaya hindi na alintana ang pagod basta masuportahan lang ang pamilyang naiwan.

“Love your husband/boyfriend/family as he loves you and your relationship. Saludo sa mga marinero na walang sawang nagpapagod para sa pamilya nila para lang mabigyan sila ng magandang buhay,” saad ni Ticong-Nicolas Jimma, nag-upload ng larawan.

Ayon kay Jimma, nakita niya ang sakripisyo ng kanyang asawa at doon siya napabilib sa iba pang mga marinong nagsisikap rin para sa kani-kanilang pamilya.

“For a seaman’s wifes like me, I think our partners deserve extra care and love when they are not on board, instead of nagging and telling them ‘You go now. Call the office beacause we need money,” saad niya.

May payo rin siya sa mga seaman, aniya, dapat inilalaan sa wasto ang perang kinita at hindi lamang sa bisyo napupunta.

At sa mga kamag-anak na may seaman, saad niya, sana maging eye opener ito sa kanila na hindi nila basta pinupulot ang pera kundi pinagtatrabahoan ito ng may dugo’t pawis.

Narito ang kanyang buong post:

Stolen shot….time check 3am….before ko nianhi Singapore one of d seaman told me…”mam doon mo Makita tunay trabaho ng Asawa mo iba sa inaakala ng lahat”…now I understand what that mans telling me…I took picture of him while he take a nap at least for one hr while he is waiting for the next bunkering I am just 3 days here but honestly I realized that my husband’s work is not a bed of roses not just my husband but for all those seaman …for seamanswife like me I think our partners deserve extra care and love when they are not onboard instead of nagging telling them you go now call the office because we need $$$ … And for those seaman be practical in spending your money use it properly and wisely other than bragging checks here, inom here, and for those people who always think seamans have lots of money borrow big amounts of money without even thinking of payment coz you thougt seamans are fountains of money ,and for those relatives who always think that your relative seaman are sleeping with money just watch this pics maybe it’s a wake up call where some of families are fighting because of seamans money…there’s no excuse here maps official or ratings there’s no excuse this is their real life.

Loading...