Netizen na-Wow mali dahil sa pag-aakalang ice cream ang laman ng tupperware

Nitong Pasko, ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang pagkadismaya matapos ma-Wow mali sa inaakalang ice cream pa rin ang laman ng isang tupperware na nasa kanilang refrigerator.

Naiyak si Kristine Mae Asi dahil ang inakalang ice cream ay mantika ng baboy pala.

Ayon sa ulat ng News5, itinabi ni Kristine sa ref ang sobrang ice cream. Ngunit ang pag-aakalang pagkain pa rin ang laman, nang balikan ito upang kainin ay mantika na pala ang laman.

Photo courtesy: Kristine Asi/Facebook
Photo courtesy: Kristine Asi/Facebook

Sa larawan makikitang inilagay na niya sa plato ang natirang ice cream at doon ay napagtanto niyang mantika na ito.

Laking pagkadismaya niya. Aniya, sabik siya makakain ng ice cream kaya itinago niya ito, ngunit mas dismayado siya dahil mantika ng baboy na ang inilagay doon at ang masaklap sa ref pa itinago.

Photo courtesy: Kristine Asi/Facebook

“Dismayado ako kasi sabik talaga ako sa ice cream kasi bihira lang magkaroon sa bahay ng ice cream at nakakapagtaka dahil ang dami namang ibang Tupperware na mapaglalagyan bakit sa lagayan pa ice cream? Ang masama pa nito, sa ref itinago,” saad ni Kristine sa kaniyang viral post.

Natawa naman ang mga netizen sa post ni Kristine at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen.

Loading...