Netizen na-scam sa “sana all” challenge; imbes na libre, pinagbayad siya sa inihatid na pagkain

Isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang karanasan sa trending na “sana all” challenge, ngunit imbes na libre ay siya pa ang pinagbayad ng pagkaing hindi niya in-order.

Kinaaliwan ngayon online ang post ni Jefrey Son Capantoc dahil sa kaniyang kwentong “sana all”.

Dahil sa nauuso itong challenge sa social media, nakigaya na rin si Capantoc rito. Akala niya matutupad na ang kaniyang ninanais, nang isang araw ay biglang may paparating na order ng pagkain sa kaniyang tahanan.

Photo courtesy: Jefrey Son Capantoc /Facebook
Photo courtesy: Jefrey Son Capantoc /Facebook

Laking gulat na lang niya ng malaman na hindi pa pala bayad ang pagkaing idi-deliver sa kanya.

Idinaan na lang sa tawa ni Capantoc ang lahat. Bagama’t hindi niya inaasahan ang pangyayari ay binayaran na lamang niya ang order.

Photo courtesy: Jefrey Son Capantoc /Facebook

Bago pa matapos ang kanyang kwento ay may mensahe siyang iniwan para sa nag order at sa para sa mga netizen na nakikiuso rin sa challenge.

Aniya, “Kung sino man ang nagpadala ng pagkain sa akin, please naman pakibayaran muna. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Matutuwa ba ako o maiinis. Hahaha.”

“Huwag niyo nang i-share dahil hindi lahat ay libre, baka sa huli kayo pa ang magbayad. hahaha”

(Hays kung Kinsa man nagpadala ug Foods akoa Please lang Bayari daan wala ko kabalo sa akoang Bation kung Malipay ba ko o Mahiubos HAHAHA.. Ayaw na mo Pag Share.x kai Dili tanan Libre Basin Kamo pa ang mo Bayad. hahaha)

Loading...