Netizen idinaan sa tula ang panawagan ng hustisya sa mag-inang Gregorio

Viral ngayon sa social media ang video ng pamamaril ng isang pulis sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Makikita sa video ang aktwal na pangyayari kung saan walang pagdadalawang-isip na binaril ng pulis ang mag-ina.

Nangyari ang insidente nitong Linggo sa Purok 2, Brgy Cabayaoasan pasado alas 5:00 ng hapon.

Matapos ang pangyayari ay tumakas ang suspek ngunit agad na nagsagawa ng manhunt ang mga kapulisan kaya sumuko rin si Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, 46 anyos nitong Lunes.

Si Nuezca ay aktibong pulis at naktalaga sa Parañaque City Crime laboratory.

Ito ngayon ang usap-usapan online at maraming netizen ang nanggagalaiti sa suspek.

Kaya naman si netizen Lee Rafael ay gumawa ng tula bilang pag-alala sa pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak at paglabas ng kaniyang poot.

Maraming netizen ang naantig sa tula na ginawa ni Lee Rafael. Damang-dama rin nila ang pagmamahal nito para sa kaniyang anak.

Naroon ang awa at lungkot dahil sa huling sandali ay laging nakaagapay ang ina sa kaniyang anak at handang protektahan sa sinumang nais manakit nito.

Basahin ang kaniyang buong tula:

Photo courtesy: Lee Rafael/ Facebook

Ayon sa ulat, ang pinag-mulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga”. Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.

Loading...