Netizen ibinahagi ang peligrong dulot ng barrier matapos madisgrasya

Isang misis ang nagbahagi ng hindi magandang karanasan ukol sa motorcycle barrier na ipinapatupad ngayon, ito ay matapos madisgrasya silang mag-asawa at masugatan dahil dito.

Idinaan sa social media ni netizen Dla Crz Eia ang panawagan na hindi umano safe ang barrier na nais ng gobyerno. Dahil matapos nilang maaksidente mag-asawa ay nalagay umano sa peligro ang kanilang buhay.

Kumalat na online ang kwento ni Eia na ibinahagi rin ng Cavite Muna page at kasalukuyang umani na ito ng 8,000 shares.

Photo courtesy: Dla Crz Eia /Facebook
Photo courtesy: Dla Crz Eia /Facebook

Ayon sa kwento ni Eia, wala siyang nakikitang problema sa barrier dahil maganda ang pagkakagawa at hindi humahampas sa kaniyang mukha.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay sumemplang ang kanilang motor dahil na rin sa isang careless biker kaya biglang napapreno ang kaniyang mister.

Nang bumagsak umano sila ay nabasag rin ang barrier na naging dahilan kung bakit nasugatan si Eia. Samantala, ang kaniyang mister ay nahirapang huminga habang suot-suot pa rin ang barrier.

Photo courtesy: Dla Crz Eia /Facebook

“Hindi po sya safe pls lang wag na po sana mag barrier again bumili ako nagpagawa ako dhil sumusunod kami sa gusto nyo pero sana makarating to sainyo hndi po kami mamamatay sa semplang pero yung mga basag na piraso na muntik ng sumaksak samin pareho ang ikakamatay namin kung sakali.”

Nagpasalamat siya dahil galos lang ang inabot nilang mag-asawa. Kaya naman hinihiling niya na pakinggan sila ng tagapagpatupad ng batas na delikado ang barrier.

Photo courtesy: Dla Crz Eia /Facebook

Basahin ang buong post:

DAHIL SA BARRIER, BABAE NAGKASUGAT SUGAT ANG KATAWAN

“Sumusunod kami sa mga utos at gusto ng mga nagpapatupad nitong barrier hindi kami naaksidente dahil sa barrier this morning nagsimba kami sa Quiapo after 4 months lockdwon masaya dahil pinayagan na ang magkaangkas ang mag asawa on our way pinara kami ng isang official tumabi kami sya mismo nagtanong kung hndi ba kami nahihirapan sa barrier namin sbi namin hndi naman po kase maganda talaga yare hndi nililipad ng hangin hndi hahampas sa mukha ko kaso nakaka panibago ksi above the head ang kelangan . Then eto na po pauwi namin, namili muna kami ng prutas , paglagpas lang ng hi-top sa may cubao may biker na parang wla sa sarli hndi din kami mblis magpatakbo around 20 lang ang takbo nmin sya ang bglang tumigil at gumitna pa . Napa preno asawa ko hanggang sa dumulas na kami sa buhangin SALAMAT KAY LORD na hndi kami pa den pinabayaang magulungan ng sasakyan o ano pa man dhl naka dapa kami pareho sa kalsada may mga ilang tumulong naawa ako sa asawa ko dhil hndi sya makahinga naka suot pa sknya yung barrier na basagbasag hndi po sya safe pls lang wag na po sana mag barrier again bumili ako nagpagawa ako dhil sumusunod kami sa gusto nyo pero sana makarating to sainyo hndi po kami mamamatay sa semplang pero yung mga basag na piraso na muntik ng sumaksak samin pareho ang ikakamatay namin kung sakali . Bute puro sugat galos lang kami at ang motor nmin sira lang nya yung lagayan ng cp at gasgas na tapalodo sa lakas ng impact namin kanina napapikit na lang ako at nsbi ko sa asawa ko na ok kalang ba dahil hndi sya talaga makahinga dibdib nya tumama sa motor ska sa kalsada. Halika kaya mo ba dahil wla man lang tumawag ng opisyal puro by standers lang wlang tutulong kako saten dto kaya umuwi na lang kame nakaka lungkot tong ngyare smin . Sana po pakinggan nyo yung panawagan na hndi safe tong barrier na gusto nyo again sumunod kami , hndi nga dahil sa barrier kami naaksidente pero nakakatakot tlaga .picture posted 🙏🙏😓😓😭😭

tyl at eto lang ngyare samin .
pakinggan nyo kami na sununod naman po sainyo pero di talaga okay sana po jacket facemask gloves helmet nalang tayo maawa naman po sana kayo sa mga rider”

Photo corutesy of RSAP – Riders’ Safety Advocates of the Philippines
Loading...