Netizen, ibinahagi ang larawan ng isang delivery man na 1 oras umanong pinaghintay ng customer

Naawa at nahabag ang isang netizen kaya naman ibinahagi niya online ang kalagayang kanyang nasaksihan dahil matiyagang naghihintay ang isang delivery man ng isang online shopping sa kanyang customer.

Ang post ni Bea Aspiras ay umagaw ng atensyon ng mga netizen. Kaya naman nag-viral ang lawaran at umabot ng 21,000 shares.

Ayon kay Bea, nais niyang maging aware ang lahat sa kalagayan rin ng mga delivery man.

Ang larawan ay nagpapakita na hindi lahat ang pinagdadaanan ng mga delivery man ay alam ng nakararami. Minsan sila pa ang pinagbubuntungan ng galit ng ilang customer.

Photo courtesy: Bea Aspiras/ Facebook

Saad ni Bea, naawa siya sa delivery man dahil kahit mainit ay matiyaga itong naghihintay ng isang oras.

Kahit noong dumating ang customer ay wala umano itong bahid ng galit kahit tirik na tirik ang araw.

Makikita sa mga larawan na nagkaupo sa isang tabi ng daan ang delivery man habang nag-aantay.

Photo courtesy: Bea Aspiras/ Facebook

Namangha si Bea sa ipinakita ng delivery man, bagama’t may matanda na umano ito ay nagagawa pa rin nito ng tama ang kanyang trabaho.

Aniya, dapat respetuhin natin sila dahil matiyaga nilang ginagawa ang kanilang trabaho.

Basahin ang kanyang buong post:

Ngayon lang ako mag popost ng ganito, and this is for every person using online shopping.

Nakita ko si Manong rider sa labas ng ganito almost 1hr din syang nag hintay dun sa customer. Honestly, nakakaawa talaga sila makitang ganito lalo na’t pag nakita mo yung itsura nila na halatang pagod na. Nung lumabas yung customer, binati sya ni Manong nang nakangiti. And he’s old na guys but still manage to do his job. Kudos to you Manong ??

Kaya guys, di nila deserve saktan at murahin. They’re patiently waiting for us to get our order/s, yung ibang customers lang talaga walang patience minsan… di po natin alam kung ano lagay nila sa kalsada, respeto nalang po sa trabaho nila…

Samantala, ayon naman sa mga netizen na dapat ay bigyan rin ng konsiderasyon ang mga delivery man dahil hindi madali ang magbilad sa araw habang hinihintay ang customer.

Loading...