Natural gas, aksidenteng nadiskubre sa Agusan del Norte

9072

Usap-usapan sa social media ang viral video kung saan sinasabing natuklasan ang isang natural gas deposit sa Agusan del Norte nitong Linggo.

Ang natural gas ay nadiskubre sa Purok 8, Poblacion, Magallanes, Agusan del Norte.

Sa video, makikita ang pag-alsa ng maitim na tubig mula sa lupa at mayroon ring pagkulo ng tubig.

Malakas ang pagkakakulo ng tubig sa sapa at ang alsa ng tubig kasabay nito ang tumatapon pa na mga bato.

Pinagkaguluhan ito ng mga residente doon dahil bagong tuklas ang natural gas deposit.

Ang video ay ibinahagi ni Indai Joffee kung saan umabot na ng 6 thousand ang nagshare ng naturang post.

Kahit mga netizens ay natuwa sa pagkadiskubre nito dahil patunay lang na mayaman ang bansa sa likas-yaman.

Ayon kay Indai Joffee, hinihinday pa nila ang Department of Enerdy na kumpirmahin ulit kung natural gas ba ito.

Nakuhanan ulit ng video ng gabei na ang sitwasyon roon kung saan naging apoy na ito.

Animo’y may isang malaking sunog sa tabi ng sapa.

Samantala, maraming benepisyo ang natural gas dahil ito ay malinis, matipid at ligtas gamitin.

Isang magandang balita rin ito para sa bansa. Matapos rin ang oil exploration bayan ng Alegria sa lalawigan ng Cebu noon pang 2018.

Pinangunahan pa ni Pangulong Duterte ang groundbreaking ng oil exploration.

Ang natural gas sa Alegria ay kinakitaan ng sapat na dami ng minineral oil at natural gas na pwedeng ihalintulad sa commercial quantities.

Facebook Comments