Nakakadurog-puso! Nanay, nagmamakaawang umiiyak na bumalik ang anak na pumanaw dahil sa tigdas

4424

Labis ang pangungulila ng isang ina sa kanyang namayapang anak matapos itong magkasakit ng tigdas.

Marahil huli na ang lahat bago madala ng mga magulang sa ospital ang anak na si John Brylle upang pamatingnan sa doktor matapos itong dapuan ng tigdas.

Sa viral video ng mga huling sandali ni John Brylle ay walang humpay ang pag-iyak ng mga magulang ng bata, lalong lalo na ang nanay.

Nakakadurog ng puso ang eksena kung saan nagmamakaawa ang nanay na sana’y dumilat na ulit ang bata at makapiling ulit nila.

Kahit ang tatay ng bata ay todo rin ang iyak habang karga karga ang wala ng buhay na anak.

Hindi naman mabitaw bitawan ng tatay ang kanyang anak. Kahit na inilapag na niya ito sa malamig na lamesa ay mahigpit pa rin ang pagkakayapos niya dito.

Image may contain: one or more people

Hinalikan niya rin paulit ulit ang anak at walang humpay pa rin ang iyak.

Image may contain: 1 person, sleeping and baby

Nang pilit ng inilalayo ng mister ang nanay ng bata ay nagpumilaglas na ito dahil hindi daw niya iiwan doon ang anak.

Dalamhati at sobrang sakit ang mararamdaman sa tagpong iyon.

Image may contain: one or more people and closeup

Tumulong na rin ang ilang kamag-anak nila upang damayan at amuin ang nanay ng bata na halos hindi na bumitaw sa bata.

Basahin ang buong post ni Princess Mae Bolan:

“Bebe brylle sayang ang gwapo gwapo pa nmn ng cubacob nmen okay nden nyan bebe para hnde kana nahihirapan bunso lage mong gabayan sila mamat papa mo ha lalo na ate janella mo salamat kay god kse naging parte kanadin ng buhay namen.di tlaga ko makapaniwala beeee grabe sana kung asan kaman ngayon lage mo kmeng babantayan ha pate si baby fatima ko bantayan mo kmeng lahat Mahal na mahal ka namen johnbrylle sayang ngalang talaga kse ang aga mong kinuwa smen ambata mopa kse para mahirapan ka ng ganyan.we will miss you be.”

Panoorin ang video:

Labis ring apektado ang mga netizens sa kanilang napanood dahil sadyang nakakadurog ng puso ang tagpo kung saan nagmamakaawa pa ang nanay.

Kitang-kita ang sakit at pagmamahal ng mga magulang para sa kanilang anak.

Facebook Comments