Nakakabilib! Gurong Aeta, 25 beses nag-exam bago pumasa sa LET, ngayon kumukuha na ng PhD

1949

Bumilib lahat ng netizens sa taglay na determinasyon, tiyaga at lakas ng loob ni teacher Gennie Panguelo matapos siyang bumagsak ng 24 beses sa Licensure Exam for Teachers ngunit ngayon ay nag-aaral pa upang magkaroon ng doctoral degree.

Tunay ngang nahanga-hanga ang ipinakitang tiyaga at pagsisikap ni teacher Panguelo dahil kahit bumagsak man siya ng maraming beses ay hindi pa rin siya nagpatinag.

Si Panguelo ay isang gurong aeta na bumagsak sa LET ng labing 24, ngunit naipasa niya rin ito sa ika-25 na beses.


Photo Courtesy: Facebook/ Gennie Panguelo

Kwento ni Panguelo kasama si Dr. Willie Ong at Dr. Lisa, hindi umano siya nawalan ng pag-asa na makakamit rin niya ang pinapangarap sa buhay.

Kahit maraming taong kumakantiyaw sa kanya, kahit pa sariling pamilya na ang nanglalait sa kanya ay patuloy pa rin siyang nangarap.

“Sinasabi nila matanda ka na, hindi ka pa pumapasa,” kwento ni Panguelo.

Saad niya pinaghinaan umano siya ng loob noong 2010 dahil pinaalalahanan na siya ng civil service na kailangan na niyang pumasa kundi matatanggal siya sa trabaho.

Si Panguelo ay kasalukuyang nagtuturo sa Tarukan Elementary School sa Tarlac.

Naglalakad rin umano ng 3-4 na oras si Panguelo para makarating sa Tarukan Aeta School.

Una siyang nag-take ng LET noon pang 1990. Ngunit nagtuturo na siya sa Department of Education noong pang 1988 para sa kanyang mga kababayang aeta.

Noon, hindi pa umano strikto ang DepEd. Pwede pang magturo kahit wala pang lisensya ang mga guro.

Ngunit sa pagbagsak niya sa ika-24 na beses. Hindi niya nawawalang pa rin ng pag-asa.

Kahit walang pera umano ay gumawa siya ng paraan upang makahiram ng pera at makapag-take uli ng LET.

Malaki umano ang kanyang pasasalamat sa Carl Balita Review Center (CBRC) dahil nabigyan siya ng scholarship bilang isang lumad.

Sobrang pasasalamat ang naging tugon ni Panguelo sa lahat ng tumulong sa kanya upang maabot ang minimithi.

Ini-enganyo niya rin ang lahat na huwag mawalan ng pag-asa at magsumikap. Kung nadapa man daw ay dapat bumangon ulit.

“Sa mga kabataan na tulad kong naghangad na maging titulado, huwag po kayong manghinayang. Kapag bumagsak, bumangon ulit. Kasi hindi lang nakukuha sa isang pagkakataon, kailangan natin ng tunay sa loob, sinseridad, at pagtitiyaga.”

Sa kasalukuyan, kumukuha siya ng PhD in Teaching and Management matapos niyang matapos ang kanyang Master’s degree.

Panorin ang buong kwento:

Facebook Comments