More valuable than GOLD! Pinoy Surfer, iniligtas ang kalabang Indonesian athlete sa peligro

Usap-usapan ngayon sa social media ang kabayanihang ginawa ng Pilipinong surfer na si Rogelio Casugay. Ito ay matapos niyang sagipin sa malakas na alon ang kalabang Indonesian.

Sa post na ibinahagi ng 2019 SEA Games page, aniya, nagmadaling iniligtas ni Casugay ang kalabang si Arip Nurhidayat matapos matanggal ang tali ng surfboard sa paa nito at matangay ng alon.

“In the midst of the men’s longboard open competition for surfing, Indonesia’s Arip Nurhidayat broke his leash and was swept away by the waves. The Philippines’ Roger Casugay came to the rescue, setting aside the ongoing battle for the gold. This is how #WeWinAsOne. #2019SEAGames #PHforOne,” saad ng 2019 SEA Games.

Photo courtesy: 2019 SEA Games/ Facebook
Photo courtesy: 2019 SEA Games/ Facebook

Hindi nag-atubiling sagipin ni Casugay ang kalaban kahit na pinaglalabanan nila ang gintong medalya.

Nitong Biyernes, naglaban ang dalawa para Southeast Asian Games men’s longboard competition sa bayan ng San Juan, La Union.

Kasalukyan munag pinostponed ang laban para sa men’s longboard event.

Malaki naman ang pasasalamat ng Indonesian surfing coach na si Arya Subyatko kay CAsugay.

“Thank you to all the Filipinos and also to Roger Casogay. He coming toward our rider and helping each other. They stand up together in one board, that’s what we call we win as one,” saad ng Indonesian surfing coach.

Humanga naman ang mga netizen sa kabayanihan ni Casugay at pinuri nila ito dahil mas inuna pa nito ang kapakanan at kalagayan ng kanyang kalaban kaysa medalyang mapapanalunan.

Ayon kay Ronald Ray Tiu Ensalada, “This is the best thing I’ve seen this day. Definitely made my day. What a good SEA Games this year is.”

Saad naman ni Leo Loyola Canayong, “Saving life is more important than a gold medal and human life is precious than this precious metal award.”

Loading...