Miyembro ng Kadamay, hiling na gawing P10k ang ayuda

Matapos ipatupad ng pamahalaan ang programang social amelioration program ay agad naman itong naipamahagi sa ilang mga Pilipino.

Ang SAP ay tulong-pinansyal ng gobyerno habang nasa ilalim pa ng enhanced community quarantine ang bansa dahil sa COVID-19.

Ngunit matapos maipamahagi ito sa ilang mga residente ay nagrereklamo ngayon ang ilang miyembro ng Kadamay sa Negros Occidental na kulang ang P6,000 para sa isang buwan nilang pagkain.

Sa Facebook live na ibinahagi ni Adrian Prietos, isang reporter, nakapanayam niya ang ilang miyembro ng Kadamay kung saan naglabas sila ng saloobin tungkol sa ipinahaging tulong ng gobyerno.

Ayon kay Leonilo, isang trisikad driver, kulang na kulang umano ang ayudang P6,000 kada buwan. Ang pera umanong iyon kay kasya lamang para sa isang linggo.

Kaya naman panawagan niya sa pamahalaan na kung maaari gawin itong P10,000 ng gobyerno upang maging sapat para sa kanyang pamilya.

Saad niya, nagrereklamon na daw ang kanyang anak dahil puro na lamang sardinas ang kinakain nila at nangangamoy sardinas na daw sila.

Bukod pa rito, sang-ayon rin rito ang ibang matandang babae. Aniya, kulang umano talaga ang perang ipinamahagi ng gobyerno sa kanila.

Sana man daw ay gawin itong P10,000 o P12,000. Saad ni Nanay, ang P6,000 ay pang bigas at ulam lang at hindi na sila makakapagkape pa.

Kaya kung mararapatin ay sana daw dagdagan pa ito ay gawing kada linggo.

Panoorin ang buong video:

Loading...