Mister ng mag-inang pinatay ng pulis, nanawagan sa publiko na tigilan na ang pangbu-bully sa bata

Nitong Martes, nanawagan sa publiko ang mister ni Sonya Gregorio na tigilan na pagsasalita ng masama laban sa anak ng pulis dahil wala umano itong kasalanan at resulta lamang ito ng maling pagpapalaki ng kaniyang magulang.

Ayon kay Florentino Gregorio, bata pa ang anak ng pulis. Hindi umano naturuan ng magandang asal ang bata dahil kung maganda pa umano ang pagpapalaki sa kaniya ay hindi ganoon ang mangyayari.

“Bata yan eh.. Kulang ng pag-aaruga ng magulang sa kaniya, kaya ganyan ang naging turing ng batang iyan,” saad ni Florentino.

“Kasi kung maganda ang pagpapalaki niya sa batang ‘yan, hindi ganon ang mangyayari sa batang ‘yon. Siguradong may takot din siya kung ‘yung putok lang ng baril na ‘yun siguro umiyak na ‘yun o tumakborin siya. Hindi eh. Nakita niya na parang tama ang ginawa ng ama niya.”

Photo courtesy: Philippine star/ Facebook

Ang suspek na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca ay nakakulong na matapos itong sumuko nitong Lunes.

Batay sa report, si Nuezca ay una nang naharap sa anim na mga kaso sa nakalipas na 10-taon sa kanyang serbisyo para sa grave misconduct, serious neglect of duty, refusal to undergo a drug test, administrative case, at suspension.

Maliban dito, may dalawang magkahiwalay na homicide cases rin ito noong 2019 na parehong nabasura dahil sa kulang ng matibay na ebidensya.

Tiyak na magkakaroon na ngayon ng hustisya dahil mayroon ng matibay na ebidensiya laban sa suspek.

Loading...