Misis na OFW, iniwan ang tricycle driver na mister at 5 anak para sumama sa isang engineer sa Jeddah

Umiiyak habang nagkukwento ang isang mister na dumulog kay Raffy Tulfo sa Tulfo in Action dahil iniwan sila ng OFW na misis at sumama sa ibang lalaki.

Kasama ni Charlie Lozada ang kanyang limang anak na dumulog kay Tulfo upang matulungan sila sa kanilang sitwasyon.

Kwento ni Lozada na ipinagpalit sila ng kanyang misis para sumama sa isang lalaki na nagtratrabaho bilang engineer sa Jeddah.

Ayon sa kanya, namamasada lang umano siya ng tricycle kaya dito lang siya kumukuha ng gastosin para sa pamilya.

Hindi rin pala ito ang unang pagkakataon na may lalaki si misis. Dahil kwento ni Lozda, pangatlong lalaki na ito ng kanyang misis.

Salaysay pa niya, pinatawad niya ang misis noong unang pagkakataon itong nagkasala sa kanya.

Ang huling lalaki ng kanyng asawa ay ito ngang engineer umano sa Jeddah.

Paglalahad pa ni Lozada, gumawa pa raw ng group chat ang misis niya at ang lalaki nito kasama ang ilan sa mga anak niya para siraan siya.

Labis umanong nasaktan si Lozada sa nabasang mensahe dahil minamaliit daw siya ng mga ito.

Samantala, sa panayam sa isa sa kanilang anak, hiling nito na balikan sila kung tunay na mahal sila nito at iwanan na ang bagong lalaki nito.

“Ma, kung mahal mo kami, piliin mo dapat si Dada. Kung mahal mo talaga kami, ipakita mo. Iwanan mo na ‘yong bago mong asawa.

Ilang beses na rin umano nangako si misis na iiwan na ang lalaki niya pero hindi naman niya ito ginagawa at patuloy pa rin sa pakikipagrelasyon sa iba.

Pangako ni Tulfo na tutulungan si Lozada na maideport ang dalawa.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan pa umano si Tulfo sa misis nito upang hingin rin ang panig nito.

Loading...