Misis, isinauli ang ayudang P5,000 sa DSWD matapos dumoble ang kanilang natanggap

Hinangaan online ngayon ang isang misis na nagsauli ng ayudang natanggap mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa NorthCotabato.

Ang babae ay kinilalang si Whendy Pido, 28-anyos, nakatira sa Barangay Basak Magpet sa North Cotabato.

Nitong Lunes, pnuri si Whendy dahil sa kanyang pagiging matapat matapos isauli ang P5,000 ayudang natanggap sa DSWD.

Ayon sa kanyang panayam sa Brigada News Davao, isinauli niya ang pera dahil doble na umano ang kanilang natanggap.

Paliwanag nito, nauna ng tumanggap ng ayuda ang kanyang mister sa kabilang barangay at naisip niya na maraming pang mas nangangailangan ng perang iyon.

Photo courtesy: Brigada News Davao/Facebook

“Kusa ko pong ibinalik ‘yung perang ibinigay sa akin ng mga taga-barangay mula sa SAP sa dahilang nabigyan na ang aking asawa na nasa kabilang barangay. Mas kailangan ito ng iba pang higit na nangangailangan dulot ng COVID-19 krisis sa aming barangay.”

“Hindi ko po tinanggap dahil dodoble na ang aming matatanggap na ayuda at alam ko po na maari kaming makulong hinggil dito,” dagdag pa niya.

Lahat ng pinoy ay apektado sa coronavirus disease o COVID-19. Kaya naman maraming netizen ang natuwa sa pagiging tapat at pagpapakita ng malasakit ni Whendy sa iba.

Ang ayudang ipinamahagi ng gobyerno ay tugon sa layuning tulungan ang higit na mga nangangailangan dahil sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Loading...