Mga pasaway na residente sa Bulacan, nag-parlor games sa kalye kahit ECQ

Habang patuloy na ipinapatupad sa buong Pilipinas ang enhanced community quarantine, viral naman ngayon ang isang video kung saan naglalaro pa ng parlor games ang mga residente ng San Jose del Monte, Bulacan .

Ang video na ibinahagi ng SJDM ay agad na nag-viral at umani ng maraming negatibong reaksyon mula sa mga netizen.

Kuha ang video ni netizen Kenneth Caballe Rivera. Ayon sa post, nakuhanan ito nitong Marso 30, 2020 sa Phase 2, Pabahay 2000 Barangay Muzon CSJDM Bulacan.

Umalma ang mga netizen dahil sa hindi pagsunod ng mga residente sa ipinatupad na enhanced community quarantine.

Maraming nadismaya at nagalit dahil imbes na sumunod sila, ay nag-organisa pa sila ng palaro kung saan nagdulot ito ng kumpulan sa kalye.

Larawan mula sa Facebook video ni Kenneth Caballe Rivera

Halos araw-araw magmula ng magsimula ang lockdown ay nanawagan na ang mga otoridad at frontliners na kung maaari ay pumirmi lang sa kanilang bahay.

Batay sa video, makikitang may paligsahan ng takbo sa kanilang kumunidad. Maririnig pa ang hiyawan at tawa ng mga residente na nagsasaya sa palaro.

Imbes na pinapairal ngayon ang social distancing at pananatili sa loob ng bahay ay malinaw naman na nilabag ito ng nasabing lugar.

Panoorin ang buong video:

Loading...