Mga pasaway na Chinese nationals, sinita ni Mayor Isko matapos mahuling naninigarilyo sa publiko

1241

Huli sa akto ni Manila Mayor Isko Moreno ang ilang Chinese nationals sa Malate matpos nilang manigarilyo sa publikong lugar.

Kahit may signage sa labas ng club na “no smoking” ay sige pa rin sa paninigarilyo ang mga dayuhan.

Kaya naman agad silang nilapitan ni Mayor Isko sa kanyang pag-iikot nitong madaling araw ng lunes.

Kita pa sa video na tinapos lang ng isang Chinese ang sigarilyo sa sahig nang sitahin ng alkalde. Ngunit nagalit si Mayor at pinapulot sa dayuhan ang kalat nito.

Marami ring upos ng sigarilyo ang nagkalat roon sa sahig kahit na ipinagbabawal sa lugar na iyon ang paninigarilyo.

Umalma rin si Mayor Isko sa mga il!gal na nakaparadang sasakyan doon.

Ipinatawag rin ni Moreno ang manager ng club para pagsabihan. Nangako naman ito na maghihigpit na sila sa kanilang establishimento.

Facebook Comments