Mga mangingisda, nagdonate ng isda sa community pantry sa QC

Buhay na buhay ngayon ang bayanihan matapos ang matagumpay na community pantry Diliman, Quezon City.

Kaya naman naisipan ng mga miyembro ng mga mangingisda na i-donate ang kanilang huli nitong Linggo.

Nagkaisa ang mga mangingisda sa Binangonan, Rizal na ibigay ang huli nilang mahigit sa 50 kilos na isda, ayon sa Fisherfolk alliance Pamalakaya Pilipinas.

Photo courtesy: Pamalakaya Pilipinas/Facebook
Photo courtesy: Pamalakaya Pilipinas/Facebook

Bilang tulong sa mga Pilipinong naghihirap dahil sa pandemya, nais rin ng organisasyon na makiisa sa community pantry upang makatulong sa mga mamamayan.

Ang mga kuhang isda ay mga tilapia na galing sa Laguna de Bay.

Photo courtesy: Pamalakaya Pilipinas/Facebook

“Bagama’t kailangan ding kumita, hindi bigat, kundi pakikipagkaisa sa kapwa naghihirap ang nangibabaw sa isipan ng mga mangingisdang nagbahagi ng kanilang huli sa mga community pantry,” saad ng Pamalakaya.

Photo courtesy: Pamalakaya Pilipinas/Facebook

“Nalimitahan ang pagbabiyahe ng mga produkto ng mga mangingisda sa mga fish port at bagsakan sa tuwing suspendido ang transportasyon. Higit sa lahat, hindi sapat at hindi lahat ng mga mangingisda ang nabibigyan ng ayuda ng pamahalaan,” dagdag pa ng grupo.

Nagsimulang umusbong ang community pantry ng sinimulan ito ni Ana Patricia Non, may ari ng isang small business.

Ginawa niya ang Maginhawa community pantry bilang tulong sa mga nangangailangan. Naglagay lang siya ng konting mga de lata, gulay at bigas.

Ngunit matapos mag-viral ito sa social media, maraming netizen ang napahanga sa adhikaing ito. Kaya naman ang mga mamamayan na malapit lang doon kanya-kanya na ring tumulong.

Sa community pantry ay may nakasabit na karatola na “Magbigay ayon sa kakayahan. Kumuha batay sa pangangailangan.”

Dahil naging matagumpay ito ay nakigaya na rin ang ibang probinsya. Kaya laganap ngyon sa bansa ang community pantry na nagpataba s apuso ng mga pinoy dahil sa pagtutulungan ng bawat isa.

Loading...