Mga mamimili, nag-uunahan na sa pagbili ng alcohol; face mask, nagkakaubusan na dahil sa coronavirus sa PH

Matapos ang kumpirmahin ng Department of Health o DOH ang positibong kaso na nakapasok na rin ang 2019 novel coronavirus sa Pilipinas, dumagsa na ang mga mamimili sa iba’t ibang lugar para bumili ng face mask at alcohol.

Nitong Huwebes, Enero 30, inanunsyo ng DOH na positibo ang isang pasyenteng babaeng Chinese, 38 anyos mula Wuhan sa pagkakaroon ng coronavirus.

Photo courtesy: News5/Facebook

Dala ng pagkatakot at pangamba ng mga Pilipino, dumagsa na sila sa mga pamilihan upang mamili ng face mask at alcohol.

Kita naman sa mga larawan na ibinahagi ng News5 ang mga pinoy na kanya-kanya sa pagkuha ng alcohol sa grocery store.

Photo courtesy: News5/Facebook
Photo courtesy: News5/Facebook

Samantala, dismayado rin ang ibang mamimili sa Bambang, Maynila kung saan maagang nagsara ng tindahan ang nagbebenta ng face mask.

Nagpa-panic buying na ang ilang mga tao dahil sa wala ng supplies na mask.

Photo courtesy: News5/Facebook
Photo courtesy: News5/Facebook

Ayon din sa mga ulat, nagkakaubusan na rin ng face mask at surgical mask sa iba’t ibang bahagi ng lungsod ng bansa.

Sa pahayag ni Health Sec. Francisco Duque III, unang bumisita ang pasyente sa Cebu at Dumaguete.

Labis na naalarma ang mga tao dahil sa pagkalat ng coronavirus kung saan marami ng pasyente sa China ang namatay.

Loading...