Mga mamimili na dumagsa sa Balintawak Market, binatikos online

Sa kabila ng pagpapatuloy ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, tila hindi alintana ng mga tao sa Balintawak Market sa Maynila ang panganib na dulot ng COVID-19.

Usap-usapan ngayon sa social media ang paglabag ng publiko sa matataong lugar.

Makikita sa larawan na hindi na nasunod ang social distancing dahil marami pa ring mamimili sa merkado ng Balintawak nitong Sabado de Gloria.

Photo courtesy: GMA news/Facebook

Umani ng batikos ang naturang larawan dahil tila hindi nila batid ang panganib ng coronavirus.

Patuloy pa rin ang pagtaas ng cases ng positibo sa coronavirus sa bansa kahit na isang buwan ng nasa ECQ ang bansa.

Ang enhanced community quarantine sa Luzon ay in-extend ni Pangulong Duterte hanggang Abril 30.

Hindi naman nagkulang ang mga awtoridad sa pagpapaalala sa mga publiko na panatilihin ang social distancing kapag nasa pampublikong lugar.

Ang viral photo ay umabot na sa 15,000 shares. Maraming netizens ang dismayado ng makit ang kaganapan sa Balintawak ngayon.

Aniya, baka ma-extend na naman umano ang quarantine dahil sa patuloy na katigasan ng ulo ng mga pinoy.

Loading...