Mga magulang, naglabas ng hinanakit sa anak dahil pinagiba ang kanilang bahay

“Gina, anong ginawa mo sa amin? Pinagiba mo ang bahay namin. Hindi kami humingi ng tulong sayo, kusang binigay mo.”

Ito ang panimulang sinabi ng isang inang may hinanakit sa kanyang anak.

Sa mahigit dalawang minutong video, naglahad ng kanilang damdamin ang dalawang magulang sa kanilang anak dahil giniba umano nito ang kanilang bahay.

Naglabas ng hinanakit ang si Nanay dahil matapos umanong gibain ang kanilang bahay mag-asawa ay pinaratangan pa sila ng mandurugas.

Dama sa mga salita ni Nanay ang sakit at pait na kanilang nararanasan sa ginawa ng kanilang anak.

“Anong klase kang anak? matanda na kami ng tatay. Bakit ganoon ang ginawa mo sa hirap namin sa iyo.”

Ayon kay Nanay, ginapang niya sa hirap ang pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda ng isda.

Saad pa niya, kahit mahirap ay kinakaya niya ang lahat para mapalaki ng maayos ang mga anak.

Daing ni Nanay ay nanunumbat na ngayon anak matapos ipaayos ang bahay nila at kung ano-ano umano ang ibinibintang sa kanila ng kanyang asawa.

Saad ni Nanay na sinabihan siya na ang bahay na kanilang tinitirhan ay hindi umano pinagawa para sa kanilang mag-asawa, kundi para lamang sa kanyang mga anak.

“Ano kang klaseng anak? Ano kang klaseng anak? Wala kang puso!,” daing ni Nanay.

“Wala kang pagmamahal sa magulang mo. Iniidolo kita. Tumawag ako sa Diyos na sana swertehin ka sa buhay para mahalin mo kami.”

Naiyak na lamang si Nanay habang nilalabas ang sama ng loob sa kanyang anak. Ramdam ang kabiguan at pait habang nagsasalita patungkol sa anak.

Paliwanag ni Nanay na sinabihan lang niya ang anak na hindi maari ang tatlong kwarto sa bahay, kung kaya hindi niya matanggap na ganoon kasakit ang gagawin ng anak sa kanila.

Samantala, bago matapos ang video, galit na galit at napaiyak na lamang rin si Tatay habang naglalabas ng sama ng loob sa anak.

Ayon naman sa nag-upload ng video, ang DJ Silence Sniper – Ang BOSES Ng Mga OFW. Galing ang video sa isa pang anak ng mag-asawa. Si Gina umano ay isang OFW sa Singapore.

Bukod pa rito, hindi na nabanggit ang tunay na dahilan ng pag-aaway nina Gina at kanyang mga magulang.

Maraming netizens ang nakisimpatya sa mag-asawa dahil ramram rin nila ang sakit na nararamdaman bilang mga magulang. May ilan rin naman na dumedepensa at tinitingnan sa ibang angulo ang dahilan kung bakit nagalit ang anak.

Basahin ang iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens:

Loading...