Mga magsasaka sa Cagayan Province, pilit isinalba ang kaban-kabang mais na tinangay ng bagyong Maring

Dahil sa bagy0ng Maring na nanalasa nitong Martes sa bansa, maraming taga Norte ang apektado dahil sa dulot ng pagbaha nito.

Isa na ang Barangay Asinga-Via, Baggao, Cagayan sa tinamaan ng hagupit ng bagy0ng Maring. Nakakaawa ang mga magsasaka dahil ang kanilang bagong ani na kaban-kabang mais ay tinangay ng baha.

Aabot umano ng 450 ang kaban ng mais ang kanilang ibinilad ngunit nasa 20 kaban na lamang ang kanilang naisalba.

Credit: Rex Remitio / Facebook

Sa video na ibinahagi ni Rex Remitio, isang journalist. Makikita na nagtulong-tulong ang mga magsasaka sa pagsagio sa kanilang mga inanod na mais.

Sabay-sabay na itinaas nila ang magkabilang dulo ng trapal upang hindi maanod ang mais. May dalawang magsasaka naman na taga ahon sa nabasang mga mais.

Credit: Rex Remitio / Facebook

Ang mga magsasaka ang pangunahing apektado kapag may bagy0 dahil nasisira o kaya’y tinatangay ang kanilang mga pananim.

Sa ngayon ay ang mataas pa rin na tubig ang problema sa sinalanta ng bago. Wala umanong mga infrastraktura ang nasira, tanging mga pananim lang.

Credit: Rex Remitio / Facebook

Nadurog ang puso ng mga netizen ng makita ang kalagayan ng mga magsasaka. Ang hirap nila sa pagsasaka ay nauwi lang sa wala. Hiling ng marami ay agarang tulong para sa mga residenteng apekdato ng bagy0.

Loading...