Mga larawan ng new Baclaran, viral online

3941

Napamangha lahat ng netizens ng masilayan ang bagong bihis na Baclaran ngayon matapos kumalat sa social media ang malinis atmaluwag na daan.

Malayo na nga ang hitsura ngayon ng bagong Baclaran, malayo sa dati na tila wala ng pag-asa pa dahil sa dumi at masikip na daan.

Sa ilalim na pamumuno ng Mayor Edwin L. Olivarez , agad na luminis at umaliwalas ang Baclaran.

Kilala ang Baclaran sa pagiging marumi at masikip na kalsada doon.

Marahil inspirasyon niya din ang pamamalakad ni Mayor Isko Moreno dahil sa mablisang aksyon nito sa lungsod ng Maynila.

Sunod-sunod na ang nangyayaring clean-up operations sa bansa na nagbibigay ng magandang simula para sa buong bansa.

Umabot na sa 10k ang share ng post ni Rachel Garcia, kung saan nagpapakita ito ng bago at magandang imahe ng Baclaran.

Pinuri rin ng mga netizens ang malinis na Baclaran at ang alkade dahil sa wakas natuldukan rin ang maduming pangalan nito.

Hiling lang ng nakararami ay mapanatili ito sa kaayusan at malinis.

Halos lahat ay hindi makapaniwala sa hitsura at nasasabik rin ang mga netizens na bisitahin Baclaran upang makita ito ng personal.

Facebook Comments