Mga katutubong Aeta, namigay ng 10K kilong kamote sa Baseco bilang pamasko

Ilang araw nalang at magpapasko na, kaya naman dumayo ngayong Biyernes ang grupo ng mga katutubong Aeta sa Baseco, Maynila upang mamigay ng pamaskong kamote.

Nakatanggap ang mga residente ng Baseco maagang pamasko mula sa mga Aeta ng mahigit sampung libong kilong kamote.

Sa tulong ng Philippine National Police at Philippine Airforce na nag-organisa ng kauna-unahang Aeta gift giving mission, naging matagumpay ang kanilang mga hangarin.

Nais lang ng mga Aeta na nabaguhin ang kaisipan ng mga tao na hindi lang sila dumadayo sa Maynila tuwing pasko para manglimos lang.

Photo courtesy: Facebook
Photo courtesy: Facebook

Dahil ang pasko ay ang panahon ng pagbibigayan, naisakatuparan ito ng mga Aeta lalo pa sa ngiting hatid ng kanilang pamasko.

Nagsuot pa sila ng mala-ala Santa Claus habang ibinabahagi sa lahat ng mga taga-Baseco ang kanilang handog na kamote.

Ang mga katutubong Aeta ay nagmula pa sa Capas, Tarlac.

Naroon rin ang mga kasapi ng PNP at Air Force na tumulong mag-assist sa mga Aeta at namigay rin ng mga libreng kamote.

Photo courtesy: Facebook

May mensahe ring nakasulat sa isang tarpaulin na may malalim na kahulugan.

“Kamote masustansya handog namin mga Aeta ngayong Pasko.”

“Ang taos pusong pamimigay na may kasamang taimtim na dasal at panalangin ay mahalaga na mas higit pa sa ginto at pilak.”

Photo courtesy: Facebook

Kita naman sa mukha ng mga tao na maligaya sila sa kanilang natanggap na regalo.

Samantala, bumilib naman ang mga netizens sa kanilang natunghayan. Na salat sila sa materyal na bagay ay mayaman naman ang kanilang kultura at mabusilak ang kanilang mga puso.

Photo courtesy: Facebook

Basahin ang mga positibong komento ng mga netizen sa mga Aeta:

Joy Goco Martos Viernes, “Buti pa mga aeta I salute you sa inyong lahat napakabuti at napakabuselak ng inyong mga puso,na alam nmn ng lahat ng mayayaman o politiko na dpt kayo dpt ang tulongan pero hndi e kayo pa ang mapagbigay, again God bless you po advance merry Christmas napakabuti nyo po.”

Eleanor Mojica Lopez, “Wla tlg sa yaman ang batayan ng pamimigay…nasa pagnanais ng puso! Saludo po ako sa inyo mga kababayang katutubong Pilipino! ? God bless sa inyong lahat!”

John Edsa Abenoja, “Imbes na kainin nalang nila or ibenta pra masustentuhan kanilang pamumuhay binigay pa nila sa kapwa nila, subrang nakakaantig ng Damdamin ito, Naway pagpalain ang inyung buhay at kayuy ibless ni Lord ng siksikliglig at umaapaw, God bless aeta”

Bebe Hervas, “Sa ginawang ito ng mga Aeta, magsisilbi sana itong huwaran at tularan ng mga mayayaman. Salamat, at saludo po sa mga Aeta!”

Mercy Asuncion, “Despite of the hardship in life at sometimes descriminated…may heart pa to share their blessing
God bless you all kabayang Aetas.”

Loading...