Mga kabayo at baka na naiwan sa Taal, ni-rescue ng mga pulis

Dahil marami pa ring mga alagang hayop ang naiwan sa may bulkan Taal, gumawa na rin ng hakbang ang mga kapulisan upang masagip ang mga hayop.

Ibinahagi ni Police officer Jonathan Sumagang sa kanyang social media account ang mga larawan ng pagsagip nila sa mga alagang hayop na naiwan pa doon.

Hindi lamang mga tao ang apektado sa ashfall ng bulkan Taal, dahil kahit mga hayop ay nangangailangan rin ng tulong.

Photo courtesy: Jonathan Sumagang/ Facebook

Mapanganib sa kalusugan ng tao at mga hayop ang abo ng bulkan dahil sa debris nito na kung titingnan sa mircospcope ay parang mga maliliit na bato.

“Mga kabayo at mga baka na naisakay na at handa na ilikas. #AngPagsagipHayop,” saad ni Sumagang sa kanyang post.

Magmula noong magbuga ng abo ang bulkan ay marami ng larawn ang nagkalat sa social media ang nakakaawang kalagayan ng mga naiwang hayop.

Photo courtesy: Jonathan Sumagang/ Facebook

Mga aso, ibon, baka, kalabaw, kabayo at iba pang hayop ay napuno ng abo ang kanilang mga katawan.

Nagmistulang isang ghost town rin ang ilang bayan ng Batangas.

Mabuti na lamang dahil sa tulong rin ng mga kababayan ay agad na natulungan ang mga taong apektado ng bulkan.

Photo courtesy: Jonathan Sumagang/ Facebook

Ang hakbang na ito ring PNP ay upang mabantayan at mapigilan ang sinumang bumalik sa Taal upang iligtas ang kanilang naiwang mga hayop.

Photo courtesy: Jonathan Sumagang/ Facebook

Mapanganib ngayon doon dahil sa posible ang hazardous explosive eruption anumang oras o araw.

Samantala, nagpadala na rin ang PETA ng mga rescuer sa evacuation areas para bigyan ng pagkain, tubig at mga veterinary care ang mga aso at pusa na bitbit o inabandona.

Ayon kay DILG Secretary Año, tanging hayop lamang na nasa labas ng 14-kilometer high-risk area mula sa Taal main crater ang pwedeng i-rescue dahil nga mapanganib ang lugar.

Loading...