Mga doktor sa Wuhan, nakatulog na sa sahig ng ospital dahil sa pagod sa paggamot sa mga pasyenteng may coronavirus

Usap-usapan ngayon online ang kumakalat na larawan kung saan umantig sa damdamin ng mga netizen.

Sa mga larawan, makikita na ang mga doktorat ibang pang medical staff ay natutulog na lamang sa sahig o kaya’y sa upuan dahil sa sobrang pagod mula sa panggagamot sa mga pasyenteng tinamaan ng 2019 novel coronavirus.

Ayon sa ulat, umabot na sa 213 pasyente ang namatay sa China at nasa mahigit 9,800 naman ang kasalukuyang infected ng coronavirus.

Photo courtesy: Oriental Daily

Dahil dito, walang humpay sa pagtatrabaho ang mga doktor at nurses sa ospital ng Wuhan.

Dahil rin sa tumataas na kaso ng coronavirus sa China, kaya wala ring tigil sa panggamot ang mga medical staff.

Photo courtesy: Oriental Daily

Kaya naman dahil sa pagod ay wala na rin silang oras pa para umuwi at magpahinga.

Kaya naman sa mga larawan na ibinahagi ng Oriental Daily, nasa sahig na natutulog ang mga doktor. Balot na balot rin sila ng protective gear upang hindi sila mahawaan.

Photo courtesy: Oriental Daily

Ang post ng netizen sa China ay may caption na “They are the true heroes of this country.”

Sa mga ganitong sakuna, huwag nating kalimutan na may mayroon rin tayong tagapagligtas na ginagawa ang lahat sa abot ng kanilang makakaya kahit pa nalalagay rin sa peligro ang kanilang buhay.

Ang mga medical staff ay nagsisilbing frontliners sa anumang uri ng mga sakit. Kaya sana’y bigyan rin natin sila nag pagmamahalaga sa mga ganitong pagkakataon.

Loading...