Mga babaeng sinimot ang community pantry sa Pasig, iginiit na hindi sila nagnakaw at nagpaalam sila

Naging usap-usapan online ang apat na mga babae matapos ma-hulicam ang pagsimot nila ng laman ng community pantry sa Pasig.

Binatikos sila sa social media at kumalat na ang video kung saan kitang-kita ang pagsimot nila sa pantry.

Dahil sa insidenteng ito ay nagbigay na ng pahayag ang mga sangkot na babae tungkol sa isyung ito.

Ayon sa mga babae ay hindi sila nagnakaw dahil may permiso umano ang kanilang paghakot sa pantry.

Aniya, nagpaalam sila sa tanod na nagbabantay doon at sa may-ari bago bago kumuha.

Ngunit dahil sila pa ang napasama ngayon ay handa umano nilang isauli ang kanilng kinuha.

Humingi na rin sila ng paumanhin at paliwanag nila ay wala silang intensyon na solohin ang kanilang kinuha sa pantry.

Nagsalita na rin ang isa sa kapitbahay, aniya, nakatanggap umano sila ng itlog at noodles mula sa kanila. Hiling niya na huwag na silang batikusin.

“Pagdating nila rito, shinare agad nila ‘yung kinuha nila roon sa may community pantry. Kaya apat na itlog tsaka dalawang noodles, malaking bagay na para sa amin ‘yun. Sana huwag natin silang i-bash kasi hindi po nila alam lahat ‘yung totoong istorya,” saad ng kapitbahay.

May nagsasabing mga kapitbahay na wala silang natanggap at mayron ring nagsasabing nakatanggap sila.

Saad pa ng babaeng kasama sa grupo ay nasasaktan umano sila ngayo dahil puro batikos ang kanilang natatanggap online.

“Siyempre po nasasaktan kasi kakaunti lang po naman din ‘yon. Kaya po naming isauli ‘yon kung ganiyan lang din po na ilalabas nila sa social media.”

Saad naman ng organizer ng pantry, maaari namang ang mga mismong kapitbahay na lang ang kumuha roon.

“Hindi lang ‘yung pamilya nila o hindi lang ‘yung street nila ‘yung mga nagugutom. Marami pa sanang gustong kumuha pero ‘yun nga ‘di nakakuha, kasi kinuha nila lahat,” Carla Quiogue, nagtayo ng community pantry sa Kapitolyo, Pasig.

Loading...