Mga anak ng tricycle driver at mananahi na puro successful, nagpatayo ng mansion para sa mga magulang

Viral ang kwento sa social media ng magkakapatid na naging matagumpay na ngayon kung saan pinagawan nila ng isang mansion ang kanilang mga magulang.

Bilang pagpupugay sa sakripisyo at pagsisikap ng kanilang mga magulang, nagpatayo ang apat na magkakapatid ng malaking bahay para sa kanilang mga magulang.

Ayon sa post na ibinahagi ng Peso Sense page, apat silang magkakapatid na nakapagtapos ng kolehiyo.

Photo courtesy: Peso Sense/ Facebook

Hindi umano naging madali ang kanilang buhay dahil tricycle driver lamang ang kanilang ama at mananahi namanang kanilang ina.

Kaya naman para makapagtapos sila ng pag-aaral ay nagsisikap silang apat na mapanatili ang kanilang scholarship sa paaralan.

Dahil na rin sa kanilang tiyaga at pagsisikap ay nakapagtapos silang lahat ng koehiyo at pasado rin sila sa board examination.

Ang panganay ay nakapagtapos sa kursong Elecrical Engineer, ang pangalawa naman ay nakapagtapos ng Civil Engineer, ang pangatlo ay Math Teacher, at ang pang-apat ay Mechanical Engineer.

Ayon sa panganay, laking pasasalamat nila sa Panginoon dahil hindi sila pinabayaan nito kahit sa hirap ng buhay.

Ang kanilang pagtitiyaga, pagsisiskap at dasal ay naging daan upang makamit nila ang kanilang mg pangarap.

Kaya naman nakapagpatayo na rin sila ng isang mansion na para sa kanilang mga magulang at kung saan ay sama-sama sila ngayon na masagana.

Photo courtesy: Peso Sense/ Facebook

Inalala rin ng panganay na dati rati ay nakatira lamang sila sa isang maliit na bahay kung saan ilang mga hakbang lang ay nasa kusina o kaya’y banyo ka na.

Kaya naman patunay lang umano na may Diyos dahil ngayon ay sobrang biyaya pa ang kanilang natanggap mula sa Maykapal.

Photo courtesy: Peso Sense/ Facebook

Aniya, “Nakikita nya ang lahat. Kailangan lang po nating manalig at sabayan ng tiwala, sipag at tyaga. Kaya po natin maabot ang lahat, kahit kapos, kahit mahirap.”

Basahin ang buong post:

Share ko lang po ❤️❤️❤️ Isa pong tricycle driver ang tatay ko (nakikiboundary lang din, walang sariling tricycle). Ang nanay ko naman po ay mananahi (pakyawan). Yung kita po nila sa isang araw ay hindi fix, depende sa gawa at tyaga, ayun lang ang maiiuwing pera. Sobrang hirap po ng pinagdaanan, naging working student kami ng kapatid ko at lahat kami ay pinilit na maging scholar. Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Elecrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer. Sa tulong po ng dasal, tyaga at sipag, nakapasa din po kaming lahat sa board exam (1 take).

Siguro po alam ni Lord kung gaano ang sakripisyo ng mga magulang namin para lang maitawid kami sa tagumpay. At ayan din po, sa awa din ng Diyos, nakapagpatayo na din kami ng sariling bahay. Buong buhay po namin, nakatira lang kami sa isang maliit na apartment, ilang hakbang lang nasa kusina at banyo ka na. 😅 Natutulog kami sa sala. 😊 Eto po ay patunay na may Diyos. Nakikita nya ang lahat. Kailangan lang po nating manalig at sabayan ng tiwala, sipag at tyaga. Kaya po natin maabot ang lahat, kahit kapos, kahit mahirap. Salamat mga ka-PESO 😇😇😇

Marami namang netizen ang na-inspire sa kwento ng buhay ng magkakapatid. Maraming bumati at nagbigay rin ng mga magagandang komento.

Ayon kay netizen Rosa Tragia Garcela, dapat talaga ang dasal ay sabayan rin ng sikap at tiyaga upang maging matagumpay sa buhay.

“Very inspiring family. Khit anung dasal ntin kung hindi tayo ggawa ng paraan wala din mangyyari. Klangan talaga ang sipag at determinasyon at pangarap sa buhay. Kmi din sobrang hirap nun ngsikap mgaral anak q ng physical theraphy. Habang ngaaral sya walang barkada d q pinapayagan mgattend ng mga party. Ayun nsa cruise ship sya ngwowork. Nasa ugali din ng mga bata yan. Gusto nilang bigyan ng magandang buhay mga magulangnila. Thank u. God bless us all.”

Loading...