Mayor na, Kargador pa! Palawan Mayor, namigay ng sako-sakong bigas at relief goods na sasapat ng isang buwan

Bilang pagtugon sa kanyang mga kababayang apektado ng enhanced community quarantine, namigay ng sako-sakong bigas at relief goods ang mayor ng Narra, Palawan.

Ngunit mas lalo pang hinangaan ng mga netizen si Mayor Gerandy Danao dahil ito pa mismo ang nagbuhat sa mga bigas na ipamimigay sa kanyang kinasasakupan.

Bilib na bilib ang netizen na si Coruna B Lyle matapos niyang ma ispatan na nagbubuhat ng bigas.

Photo courtesy: Coruna B Lyle/Facebook

Kaya naman naisipan niyang kuhanan ito ng larawan at ibahagi sa social media.

Mabilis na nag-viral ang post at ngayon ay umani na ito ng mahigit 13,000 shares.

Photo courtesy: Coruna B Lyle/Facebook

“MAYOR NA, KARGADOR PAMayor ng Narra, Palawan… balewala ang isang sakong bigas… banat na banat ang katawan sa trabaho at pagtulong sa kapwa,” saad sa post.

Samantala, may malaki rin palang puso ang alkalde dahl batay sa post naman ni netizen AL Bert ay namigay rin ng maraming relief goods si Mayor Danao na sasapat rin sa isang buwang quarantine.

Sobrang nagpasalamat si Albert sa kanilang natanggap na ayuda at lalong lalo na sa kanilang alkalde.

Photo courtesy: AL Bert/Facebook

Bukod kasi sa tatlong sakong bigas, nakatanggap rin sila ng 30 delatang sardinas, 30 packs na noodles, 30 pirasong instant coffe at 6 kartong sabon.

Ngunit paglilinaw ng netizen, kaya nakatanggap sila ng ganoon karaming ayuda ay dahil tatlong pamilya rin silang nagsasama sa iisang bahay.

Labis na pinagpala ang Narra, Palawan ngayon dahil bumuhos ang ayuda na natanggap nila mula sa kanilang lokal na pamahalaan.

Basahin ang kanyang buong post:

Thank you mayor ❤️ isang buwang konsumo na namin to 😇😇😇
30 pcs ( sardines)
30 pcs ( noodles)
30 pcs (instant coffe)
6 pcs ( soap)
3 sacks of rice ( 20kls each sack) *HINDI NFA 😇😇

Iba ka talaga bayan ng Narra!
Salute.
#mayorDanao
#narrapalawan

PS. good for 3 families na po eto, pinagsama sama lang po namin kasi iisang bahay lang nilulutuan namin 😇

Loading...