Mayor Isko tinulungan ang parol maker na nag-viral online

Matapos mag-viral online ang post ni tatay Maximo Simon dahil sa hindi kinuhang parol ay agad naman itong tinulungan ni Manila Mayor Isko Moreno.

Nitong Huwebes lang ay nag-viral si tatay Maxi online matapos niyang ibahagi ang libo-libong parol na ginawa nila ngunit hindi itinuloy ng buyer.

Ayon sa post ni Arlene Simon, nag-abono ng P100,000 si tatay Maxi upang magawa ang in-order na mga parol.

“Hindi na kukunin ng buyer. Sayang, P100,000 lahat ng bayad. Paano na ako? Baon na naman ako sa utang,” ayon naman kay tatay Maximino.

Subalit ang mga parol ay hindi na kinuha ng buyer. Kaya naman napaluha na lamang sa sobrang pagkadismaya si tatay Maxi.

Agad namang dumagsa ang tulong mula sa mga netizens at maraming gustong bumili sa mga parol ni tatay.

Ayon sa ulat ay iilan na lamang umano ang natira dahil sa maraming bumili ng parol.

Ngayong Biyernes ay isang biyaya naman ang natanggap ni tatay Maximo. Ito ay matapos magpaabot naman ng tulong si Mayor Isko sa kaniya.

Sa larawan na ibinahagi ng News5, makikita ang selfie ni tatay Maxi at marahil mga tauhan ni Mayor Isko kung saan may bitbit silang mga parol.

Nagpasalamat ng sobra si tatay dahil ang sana’y lugi niyang pera ay naging biyaya pa.

Loading...