Mayor Isko nakatapak ng tae sa Andres Bonifacio Monument, precinct commander ipinasisibak

352

Nagalit si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso matapos madatnan ang maduming Andres Bonifacio monument kung saan nakatapak pa siya ng tae.

Hindi makapaniwala si Mayor Isko sa dinatnan matapos inspeksyonin ang labas ng kanyang opisina nitong Miyerkules.

Naglipana umano roon ang dumi ng tao kung kaya ipinapatanggal ng alkalde ang Police Community Precinct commander ng Lawton dahil sa kapabayaan nito sa lugar.

Pinapasibak na sa pwesto ni Mayor Isko si Police Lt. Rowel Robles na PCP ng Lawton.

“That is the office of the mayor, the seat of power of the City of Manila. Tapos eto, amoy tae rito. Nagkalat,” saad ni Isko.

“Oh, eto, sariwa pa oh. ‘Pag inaalat ka nga naman ano,” dagdag pa nito.

Ayon kay Mayor Isko, ginawa na umanong banyo ang nasabing lugar.

Sobrang lapit lang daw nito sa kanyang opisina ngunit imbes na mapanatiling malinis ay iyon pa ang kanyang nadatnan.

“How could we govern? Oh, opisina ng mayor, mga singkwentang hakbang lang,” pahaya ng mayor.

Facebook Comments