Mayor Isko Moreno, ipapa-deport ang Chinese national na nahuling umihi sa pader at nanapak ng tanod

1408

Nagalit at nagbanta si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso  sa isang Chinese national na nahuling umihi sa pampublikong lugar at nanapak pa umano ng Barangay tanod.

Sa pahayag ni Mayor Moreno nitong Lunes, nagbanta siya na ipapa-deport ang dayuhang umihi sa pader at nang sitahin ito ng Barangay tanod ay nanuntok pa ito.

Nangayri umano ang insidente noong Sabado ng gabi sa may Binondo.

Ang nasabing tanod ay kinilalang si Barangay 281 Chairman Jeff Lau, kung saan naaktuhan niyang umiihi sa pader ang Chinese national na si Chito Villaluz y Keng, 45 anyos.

Inireklamo ni Lau ang Chinese matapos itong manapak at ito nga’y nakarating kay Mayor Moreno.

“Please, foreigners, immaterial of where you came from, if you go to Manila, you need to follow simple rules,”  saad ni Moreno.

Ayon pa kay Moreno, dapat umanong arestuhin ang dayuhan dahil iligal ang kanyang pag-ihi.

“And I think that is a generally accepted rule that you don’t pee in the streets. You will be arrested because it is prohibited,” dagdag nito.

Saad pa ni Moreno, hihilingin niya sa Bureau of Immigration na mapa-deport si Keng.

“If you hit our enforcer, if you attempt to hurt our policemen because you are (a) superpower, you believe that malaking bansa kayo, you are not welcome to the City of Manila,” saad ng mayor.

“We are now going to write to Immigration to deport this Chinese fellow na umihi sa kalye ng Maynila, na nanapak pa… We will request the immigration to deport you and ban you from entering the country.”

“If it is applicable – our laws and ordinances (are) applicable – to ordinary John Does and Mary who are Filipinos and citizens of Manila… (it is also applicable to) foreigners.”

“So ‘wag na ‘wag niyo ‘yang gagawin sa Maynila. I hope you will not do it again,” dagdag pa ni Moreno.

Facebook Comments